15-anyos, ginahasa ng 1 pulis para malinis ang record ng ama na drug suspect daw

15-anyos, ginahasa ng 1 pulis para malinis ang record ng ama na drug suspect daw

-Galit na sinermunan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Director Guillermo Eleazar ang isang pulis na naggahasa ng isang 15-anyos

-Para daw malinis ang record ng inaakusahang drug suspect na ama ng biktima pinilit daw itong gamitin ng pulis

-Depensa ng pulis, siya daw ang biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inirereklamo ng isang 15-anyos na dalaga, na itinago sa pangalang "Betty", ang pulis na kinilalang si PO1 Edwardo Valencia ng panggagahasa.

Naakusahan kasi ang ama ng biktima na may kinalaman sa droga.

Kaya para daw malinis ang pangalan ng ama, pinilit daw ni PO1 Valencia na makipagniig sa kanya ang biktima, ayon sa kwento ng mga magulang nito.

Kaugnay nito, nagpositibo rin sa genital lacerations ang biktima ayon sa PNP.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, galit na galit naman si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Director Guillermo Eleazar sa pulis.

"Yung kalokohan na ginagawa mo kaya tayo nasisira dahil sa iyo,” ani Eleazar, habang inaalis ang pagtatakip nito sa mukha.

Ngunit dumipensa naman si Valencia, sinisira lamang daw ng mga magulang ng biktima ang kanyang reputasyon.

Hawak na ng Manila Police District Station 4 si Valencia, samantalang ang biktimang si "Betty" naman ay nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Source: ABS-CBN News

Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers! These questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon

"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon

"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel