Kontobersyal na Paranormal expert Ed Caluag, giniit na totoo ang kanyang pahayag

Kontobersyal na Paranormal expert Ed Caluag, giniit na totoo ang kanyang pahayag

- Nagpaliwanag na ang kontrobersyal na Paranormal expert na si Ed Caluag

- Naging usap-usapan ang kanyang naging guesting sa Kapuso mo Jessica Soho kung saan lantarang nakontra ang kanyang natuklasan sa isang barangay na may binabato

- Sa programa ring Kapuso mo Jessica Soho, nagpaliwanag ang Paranormal expert at ginigiit na totoo ang kanyang pahayag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan kamakailan ang kilalang Paranormal expert na si Ed Caluag dahil sa naging pahayag niya sa programang Kapuso mo Jessica Soho.

Ito ay sa isang episode ng naturang program kung saan isang barangay sa Cabanatuan ang misteryosong binabato pagsapit ng dilim.

Dahil sa di mawari ang dahilan o may gawa ng pambabato na ito, humingi ang KMJS ng tulong sa isang eksperto at ito nga ay si Ed.

Ayon kay Ed, isang elemento ang gumagambala sa barangay at mapapanood pa nga na hinahamon niya itong lumabas at magpakita.

Subalit sa naturang episode din natuklasang isang bata na nabu-bully ang siyang nasa likod ng gabi-gabing pambabato sa barangay.

Dahil dito, kabi-kabila ang pambabatikos na natanggap ni Ed at umabot pa nga sa punto na nagawan na siya ng iba't- ibang internet meme na tila kinekwestyon ang kredibilidad ng kanyang pagiging paranormal expert.

Sa isang episode din ng programang Kapuso Mo Jessica Soho, binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag si Ed.

Umpisa pa lang, nilinaw ni Ed na sadyang may mga nakikita sila na di nakikita ng ibang tao. Nang dumating siya sa lugar, nakatanggap umano siya ng telepathic message na sinasabing nagagalit daw ang mga nakita ni Ed at may naputol na puno sa barangay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kumpirmado daw ito dahil isang puno ng Acacia ang naputol ng may bahay malapit doon.

Maaalalang ginuhit pa ni Ed ang entity na umano'y nakita niya. Nang bumalik ang paranormal investigator, napag-alaman niyang may ilang mga tao na nakakita rin daw sa kanyang ginuhit.

Kung tutuusin daw kasi, ang batong pinupukol sa mga bahay ay malaki sa kamao na mukha naman daw imposible basta kayanin ng batang umamin na nambato.

Dahil dito, pinanindigan ni Ed na totoong may elmento na nagalit sa lugar at bukod sa bata, iyon din ang nambabato.

Samantala, kahit pa binigyang linaw na ng paranormal investigator ang kanyang saloobin, nakatanggap pa rin si Ed nang pambabatikos. Ang mahalaga, nabigyan siya ng pagkakataon na ipahayag ang kanyang disposisyon sa nangyaring kontrobersya.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel