Napikon? Vice Ganda, nagbitaw ng mga salitang ikinawindang ng madlang people

Napikon? Vice Ganda, nagbitaw ng mga salitang ikinawindang ng madlang people

- Marami ang nawindang sa biro ni Vice Ganda sa It's Showtime

- Ito ay matapos niyang magbiro na lilipat siya sa GMA

- Dati ring naging Kapuso ang komedyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbiro si Vice Ganda na lilipat siya sa GMA-7 dahil sa pakikitungo sa kanya ng kanyang kasamahan sa It's Showtime.

Ito ay matapos maitulak siya ni Vhong Navarro sa platform stage ng Tawag ng Tanghalan nang sila ay nagbibiruan.

"Bakit ba tinutulak niyo ko ngayong araw? Kanina pa nakadalawang tulak na kayo!"

Sumagot din si Anne sa kanya.

"E, bakit kasi parang ang bilis mo matumba?"

Sumagot uli ang komedyante at sinabing, "Nagpapatawa lang tapos nananakit kayo."

"Tinulak mo din ako kanina, babae ka." sabi pa nito kay Anne.

Tinuro siya ni Vhong at sinabi sa audience, "Ito kasi, mabilis ma-fall!"

"Mabilis ma-fall, kahit di ma-fall, tinulak mo ako!" mabilis niyang tugon.

Dito na nawindang ang madlang pipol nang magbiro siya nang, "Ganyan kayo dito, nagtatrabaho lang mapagtulak kayo. Pagod na pagod na ako, nananakit kayo!

"Pag ako lang talaga, in-offeran sa GMA, lilipat ako! Pagod na pagod na ako dito, e!

"Patawa ka ng patawa, kahit may sakit ka magpapatawa ka! Tapos pag nakakatawa ka, itutulak ka, anong klaseng samahan meron itong Kapamilya?

Lalong nagtawanan ang audience nanag sinabi niyang gusto niyang maranasan maging kapuso.

"Bad trip kayo, lahat na lang! Minsan talaga nag-iisip ako, gusto ko talagang maranasan yung Kapuso, e."

"Hindi naman sinasadya kasi, e!" sagot ni Vhong na tila nanunuyo.

"Pag may nag-offer lang talaga doon." sagot ulit ni Vice.

Tinanong siya ni Anne, "Di ba, galing ka na doon?"

"Babalik ako, kahit co-host ako ni Susan Enriquez, sinasabi ko sa inyo babalik ako doon. sagot uli ni Vice.

"Kahit sa Channel 5 lilipat ako, daming basketball [players] doon!"

Lalong nagtawanan ang mga audience dahil sa biruan nila na kung hindi ka sanay ay iisipin mong totoo.

Minsan nang ibinahagi ni Vice na dati siyang Kapuso. Una siyang lumabas sa panghapon na drama series na Saang Sulok ng Langit noong 2005 na pinagbidahan nina Maxene Magalona at Oyo Boy Sotto.

POPULAR: Read more about Vice Ganda here

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss Universe finally releases decision on eligibility of transgender woman Angela Ponce of Spain

Miss Universe finally releases decision on eligibility of transgender woman Angela Ponce of Spain

Miss Universe finally releases decision on eligibility of transgender woman Angela Ponce of Spain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel