Misis nasisi pa ng mister sa nasirang 'pagkakaibigan' daw ng malapit sa kanyang babae

Misis nasisi pa ng mister sa nasirang 'pagkakaibigan' daw ng malapit sa kanyang babae

- Hindi bastang binitawan ng isang misis ang kanyang mister kahit pa garapalan na raw itong nambababae

- Paulit ulit nang nahuhuli ng misis ang asawa niya na kausap ang babae na sinasabing malapit na kaibigan lamang daw niya

- Matapos ang 6 na taon, sinuko na ng misis ang kanilang relasyon dahil di na niya kinaya ang mga emosyonal na pananakit sa kanya ng kanyang mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakalulungkot isipin na kahit anong salba mo minsan sa isang relasyon, mayroon talagang pilit na kumakawala.

Gaya na lamang ng isang misis na ito na umabot na sa sukdulan ang pagtitimpi, pagtitiis sa kanyang mister na harapan na siyang niloloko ngunit nagawa pa rin niyang ipaglaban ito.

Narito ang kabuuan ng kwento na binahagi sa KAMI:

Bago ako nagsimulang magmahal sinabi ko sa sarili ko na ayoko ng nagyoyosi at umiinom ng alak kaya nmn yung bf ko that time dahil mahal nia ako ginawa nia un.pero hindi ganun kadali kc nga hindi nia kayang iwasan.hanggang sa okay na siya. masaya kmi sa loob ng 6yrs. 5 years kaming nagsama sa iisang bahay hindi kmi kasal live in lang. pinaglaban ko sia sa magulang ko dahil ayaw ng parents ko na mag live in kmi pero sinuway ko pa rin. nung time na nagkakilala kmi isa siyang layas na tao kumbaga hindi siya welcome sa family nia kc nga bata pa lang bugbug sarado na sia kay 8 taon mahigit siyang palaboy,nakikitira ,nkikikain, hanggang sa nagkakilala kmi sa isang work.tahimik siyang tao moody hindi lahat makakaintindi unang tingin pa lang suplado na.

Misis nasisi pa ng mister sa nasirang 'pagkakaibigan' daw ng malapit sa kanyang babae

source: supplied

hanggang naging okay na kmi sa pamilya ko welcome na siya. at dumating sa punto hindi nia aq ipakilala sa pamilya nia dahil magulo daw pero na nagkabati na rin sila sa wakas at naging okay sila kaso ako hindi pa rin okay sa pamilya niya.

nagagalit ang mama nia skin mga pamilya nia kc daw pinagdadamot ko daw ng anak nila. ayoko daw papuntahin sa bahay nila. pero hindi ko naisip un na ganun n pla ang tingin skin.pinabayaan ko lang kc importante skin nagmamahalan kmi.

siya ang lalaking minahal ako ng lahat ng kaya nia.

siya nagluluto,naglalaba,nagpaplantsa,naglilinis ng bahay. kc isa akong working student hanggang ngaun. kaya wala akong ginagawa kondi pagdating ng bahay kain tulog ligo alis.hindi ko sia naaalagaan.

hanggang sa nagsawa na siya skin kc nga daw one way lang ang relasyon nmin. ang ginawmgawa nia sa pamilya ko hindi ko nagagawa sa pamilya nia.

hindi ko nasusuklian ang pagmamahal nia.

lahe rin kmi nag aaway dahil madalas na siyang umiinom. sa lahat ng away namin siya sumusuyo skin.

kaya dumating ang araw na sinabi nia skin na kailangan nia ng space

pilit nia akong kinakausap na ibigay ko un.pero hindi ko maibigay dahil madaming tanong sa isip ko kung bakit.

mga 1sang linggo na umalis ako sa bahay umuwi amin nasasaktan ako palage nun kaya bumalik ulit aq sknya kc d ko kaya. hanggang sa nalaman ko na may nagugustuhan siyang ibang babae.

ung babae na un un ung lage niyang kausap tuwing nag aaway kmi.at un ang taga payo sknya.kaya nahulog ang loob nia doon.

ngaun ako ang nagmamakaawa sknya na hayaan akong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko. 1week na kming okay na ulit. ako naglalaba, nagluluto,lahat ginagawa ko sknya.

kinausap ko na rin ang pamilya nia nanghingi ako ng sorry.

pero patuloy pa rin ang koneksyon nia dun sa babae na kaibigan nia .

ilang taon na magkasma kmi.hindi naging wallpaper ng cp nia ang picture ko pero nkita q sa cp nia naka wallpaper ung babae na un. .nung nkita ko un sabi ko yan ba ang dahilan ng panlalamig mo skin?

ang sabi nia wala kming relasyon.

hanggang sa ok n nmn kmi pero patuloy p rin silang nagkakachat.ung cp nia iba na rin password.

nung nalaman ko ang password. hinalungkat ko cp nia nkita ko dun

Misis nasisi pa ng mister sa nasirang 'pagkakaibigan' daw ng malapit sa kanyang babae

source: supplied

na talagang nahulog na nga ang loob nia sa babae na un dahil sa mga payo. pero ako pa rin ang pinili niya. kaso nga lang d ako satisfied dahil anong silbi ng pagbabago ko kung sia ayaw kumawala sa babae na un dahilan nia kaibigan lang nia.

gakagi ko chinat ang babae kinausap ko na baka pwdeng sia nlng umiwas dahil nahuhulog na ang loob ng asawa ko saknyA sa kakapayo nia.at sinabi ko na aasahan ko na hindi malaman ng asawa ang sinabi ko sau.pero nalaman pa rin ng bf ko.

kc sinabi ng babae na merun bang ibang nangingialam ng cp mo?

at sabi ng bf ko lumapit sia dun sa babae kaso ang sabi daw wag mo ako lapitan baka makita tau ng asawa mo ayoko madamay.

so un ung idea na pumasok sa bf ko para magtaka kung bkit ano ang ginawa ko para iwasan sia .

ngaun sinumbatan ako ng bf ko kung kinausap ko ba daw ang babae.

umamin nmn ako.

sabi ng bf ko lahat nlng ng malapit sa buhay ko lumalayo ng dahil sayo.

mga kaibigan ko, kainoman ko ayaw na akong kasama dahil sau.

dahil baka mag away n nmn tau dahil nkipag inoman ako.

lahat nlng nawawala skin ng dahil sau.

ang sakit sakit tlaga.kulang nlng sabihin niyang lumayas ka.!

sinabihan nia ako wag mo na ako asikasuhin pa. ayusin mo sarili mo.

ayoko na paulit ulit nlng nakakasawa na.

iyak n nmn ako.sorry n nmn ako.

ang sabi ko sknya kahit anon sabihin mong masasakit na salita hindi ako aalis sa tabi mo tutuparin ko ang pangako ko sau na hindi kita iiwanan hanggat hindi ka naging masaya kasama ang mahal mo at mahal ka rin nia.

lumabas sia nkipag inoman. dumating na 4:40am kc 6am work nia. nag sorry n nmn ako.

ayaw niang tanggapin kahit kelan daw.

kaya sabi ko gagawin ko lahat. magsosorry aq sa lahat ng tao na lumayo sau.kahit dun sa babae kakausapin ko para maging masaya ka lang.ang sagot Niaumiwas na nga ung tao kakausapin mo pa.

hanggang sa sinabi nia skin magsorry ka dun.pinapasorry nia ako ky kim.umuo nmn ako pero sabi ko teka bkit ako magsorry wla nmn akong ginawang mali.

sabay alis nia .hinawakan ko kamay nia at niyakap.pilit siyang bumitaw. lumabas ng pinto hinabol ko para mag kiss kaso ayaw nia.

Sabi nia masanay kang wala to.

pwde bang magkaibigan nlng tau.

mag umpisa tau sa umpisa.

nakakasawa n kc.un ang sabi nia.

pero pilit ako kumiss sknya panay nmn ang iwas nia skin.hanggang sa nasaktan ako nahagis nia kamay nia sa mukha ko.napatigil ako at tinitigan ko sia, lumapit sia skin at hiyakap sabay kiss sa labi at umalis ng bahay oara pumasok sa work.sinabi ko nlng ingat ka.

mamaya uuwi siya kc break nia ng 9am.nagluto na ako para pagdating nia kakain nlng sia.mamaya may dala siyang pregnancy test para skin. Ang tanong nia skin nun kapag ba hindi ka buntis titigilan mo na ako?

ang sabi ko pangako ko sau ay pangako.

iiwan lang kita kapag nakita kong naging masaya sa piling ng iba at mahal ka ng mahal mo.

sabi nia skin.tigilan mo na c kimberly un kc pangalan ng girl.

sabi ko oo titigilan ko kaso nasasaktan ka kung mawala siya sau kaya kakausapin ko sia para maging masaya ka.ang sabi nia wag na,d na kailangan.wala kming relasyon...sabi ko may relasyon kaung dalawa kaya ka nga nagagalit akin dahil sinira ko ang relasyon ninyo dahil sakin nasira relasyon nio dba bilang magkaibigan.Create Appointment

Umuwi n nmn siya mainit n nmn ang ulo niya skin. . nakasimangot na akala mo pasan ang buong mundo . masyado siyang nalulungkot kaya ang sabi ko mahal kita pero d ko kayang manatili sa tabi kung un ang dahilan ng pagkakaganyan mo mas pipiliin kong lumayo nlng sau.umuwi ako sa parents ko kaso one day lang bumalik n nmn ako sknya at lalo siyang nagagalit skin .

Ang sabi niya kung ayaq mo umalis dito sa bahay ako nlng ang aalis mag isa ka dito !pasigaw niyang sabi skin. .Bkit ba ang kulet mo bkit d mo maintindihan na wala na akong pagmamahal sayo. hindi na kita mahal ano ba ang gusto mong marinig?

mapatigil ako, sinabo ko nlng sknya na baka pwdeng mag usap tau ng maayos bago ako tuluyang umalis dito kailangan ko ng closure. hindi ung aalis ako dito pero may binibitiwan kapang salita dahilan kung bkit pa ako bumabalik sayo.

pero umalis pa rin siya mkipagsayawan kasma barkada. alas 4am na dumating ng bahay. . kinulit ko n nmn siya na baka pwdeng mag usap kmi ng maayos pero tinulak niya ako sa kama at napatigil ako. .Nakaramdam ako ng inis at galit sa ginawa nia kaya napasigaw ako, ang sabi ko Cge kung ayaw mo d wag! hindi ko na ipipilit sarili ko sayo!at kung sakaling buntis ako hindi mo makikila anak mo! lahat ng contact mo sa pamilya ko burahin pati number ko at pati sa fb block mo kming lahat ng pamilya ko.sabay talikod. ang sabi talagang gagawin ko un.!

3mins after tahimik na kming dalawa s kwarto .

bigla niya akong niyakap,maamo ang mukha niya at maagaan mga salita niya. nagsorry siya ang sabi niyA dahil magulo lang daw ang pangyayare kaya ganun nasasabi niya.

kinausap niya ako. na kusang nawala ang pagmamahal niya skin,kaya sana daw pagbigyan ko siya na maghiwalay muna kaming dalawa at nangako siya na walang ibang mamahaling babae ako lang daw,hindi niya gagawing maghanap ng iba dahil gusto niya magpahinga s relasyon nmin pinapaantay niya ako ng 3yrs dahil gusto nia daw may mapatunayan sia sa sarili niya hindi ung palage nlng nauubos sahod nia khit d pa dumating next sahod. magfocus nlng daw sia sa work at pamilya nia.kung maramdaman niyang may kulang sa buhay nia saka nia ako babalikan,kaso ang sabi ko sknya paano kung hindi na kita mahal sa panahon na un?

sagot nia liligawan nia ako ulet.at hahanapin nia kung saan man ako.

sana daw maantay ko siya.

kaya kahit masakit pumayag nlng ako sa gusto nia. jan

jan 9/2018 ng madaling araw ang huling pagkikita namin that day hinatid nia ako sa bahay ng parents ko. napag usapan rin namin na maging magkaibigan nlng kmi kaso ang sabi ko baka pwdeng tayo pa rin kahit na magkalayo muna tayo kaya umuwi ako na parang magjowa pa rin kmi, hawak kamay sandal sa balikat , kayap at panay ang kiss niya skin. kahit pagdating ng bahay nakasara na ang gate panay pa rin ang tingin skin at humuhinge ng kiss.

ang huling bulong ko lang sknya ay" mamimiss mo rin ako".

umalis nia siya at simula nun wala na kming communication.Create Appointment

TUE 8:56PM

Akala ko dati walang hiwalayan yun pala merun at patuloy kang magdurusa .Akala ko nung una may forever pero wala in the end wala pala maghihiwalay lang then kayo. Akala naten sila na yung taong nakalaan para saten pero masyado lang pala tayo pinasaya at pinaasa sa mga sandaling yun. Akala naten ang love puro saya lang ang di naten alam may lungkot den ito na dudurog sa atin. Dapat naten tanggapin na ang love laging may risk. Ang dami kong tanong na bakit kelangan pa tayo masaktan kahit binigay na nman nten ang lahat para sa taong mahal natin. Halos lahat ng pagmamahal binigay muna wag lang syang makulangan at magisip na kulang pa kahit sa sarili mu wala ka ng tira pero bakit may mga taong sa una lang magaling pero in the end magsasawa den at maiisip mu na lang at sabihin sa sarili mu na di pa ba ko sapat Sadya bang ganyan ang pagmamahal. Wala ng happy ending. Wala na ba tayong chance para sumaya. Hinde ko alam kung dapat pa ba nten sila iwin back ulit or hayaan na lang silang mawala kase choice den nila ang lumayo at tuluyan tayong iwan. Minsan nagppretend tayo na masaya naman tayo na makita silang masaya na wala ka. pero sa totoo lang masakit talaga. Dahil nga sa mahal naten sila nag let go tayo. Hinayaan natin sila iwanan lang den tayo kahit masakit na. Yung tipong gagawin mo ang lahat maibalik lang kaso paano kung siya mismo ayaw umiwas sa pagkakamali na minsan ng nagawa.Ang hirap na den kaseng ipilit pa yung sarili naten kung alam naman naten na wala talaga. Pinagtutulakan kna. Yung taong hindi ka kayang ipagmalaki at panindigan.Yung siya pa ang gustong iwanan mo siya. Masarap magmahal kaso sa tamang tao,yung taong mamahalin ka ng tapat at totoo hindi puro paasa Ang tanging magagawa na lang naten is acceptance. Accept the fact na di na kayo babalik sa dati.At kung talagang kayo ang para sa isat isa,ipagtatagpo pa rin kayo ng tadhana sa tamang panahon. Kase ako as of now nasabe ko sa sarili ko na wag nalang muna magmahal wag naten madaliin ang mga sarili naten sa love na panghabang buhay na yan magfocus na lang muna tayo sa mga pangarap natin at sa mga totoong nagmamahal satin ang ating pamilya na alam nten na hindeng hinde tayo iiwan through ups and down. Without any promises. But still alam naten na gagawin nila na di tayo iwan. Di tulad nila puro promises but never naman tinupad. Kaya ngayon napag isip isip ko na its better to be single than into a relationship. . sad to say goodbye my 6yrs of love.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel