Proud apo, binahagi ang kwento ng 62 taong pagmamahalan ng kanyang lolo at lola na nagpapatotoong may 'forever'

Proud apo, binahagi ang kwento ng 62 taong pagmamahalan ng kanyang lolo at lola na nagpapatotoong may 'forever'

- Viral ngayon ang post ng netizen na si Valeree Joy Rillon na kapupulutan ng aral tungkol sa 'tunay na pag-ibig'

- Pumanaw ang kanyang Inang Turyang na 94 taong gulang na at nabiyudo ang kanyang Tatang Ikko na 92 taong gulang naman at sila ay nagmahalan ng wagas sa loob ng 62 taon

- Labis na namangha ang mga netizen na nakabasa ng love story ng lolo at lola ni Valeree at talaga namang naantig sila dahil ito raw ay patotoo na mayroong forever

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng facebook user na si Valeree Joy Rillon ung saan binahagi niya ang nakakaantig na love story ng kanyang lolo at lola.

Nalaman ng KAMI na kamamatay lamang ng lola ni Valeree na si Inang Turyang na 94 taong gulang na at nabiyudo naman ang asawa nito na si Tatang Ikko na 92 taong gulang na.

Ayon kay Valeree nakamamangha na 62 taon na nagsama at nagmahalan ang kanyang inang Turyang at tatang Ikko na tila isang malaking ebidensya na mayroong "forever"

Si Valeree raw ang nagmistulang saksi sa wagas na pagmamahalan ng kanyang lolo at lola dahil kamatayan lamang daw ang nakapaghiwalay sa dalawa.

"Don't worry, I will be joining you there soon," bilang pamamaalam daw ni Tatang Ikko sa kanyang Turyang habang may tumutulong luha sa kanyang pisngi.

At nang nakikita ni Tatang Ikko na pahina na ng pahina ang kanyang Turyang, nasambit niya ito:

"I cannot take seeing you suffering. If letting you rest in God will ease your pain, even if it hurts, then I choose to let you go."

At kahit pumanaw na si Inang Turyang, di pa rin nawala sa tabi nito si Turyang sa mga natitirang araw na maari pa niya itong makasama.

Sa huling gabi daw ng lamay ni Inang Turyang, nagkwento si Tatang Ikko ng 'love story' nila ni Turyang, nakangiti at tila kinikilig.

"Your Inang had two men pursuing her that time...but it didn't matter to me and so I decided to pursue her too. She is so beautiful. I had 3 women that I like that time also, but I chose your Inang. Eventually, she chose me among the two men. Maybe because I was always helping her father in the farm...hehehe," kwento raw ni tatang Ikko.

Dahil dito napagtanto ni Valeree ang napakaraming bagay tungkol sa tunay na pag-ibig.

Samantala, umani ang viral post na ito ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wow! Awesome love story amd ur realizations ate Val. Thanks 4 sharing. It's really inspiring I could be thinking ryt now about my own love story with my wife.. Indeed, when God is at the center, ur relationship becomes more meaningful and deep.."

"Amazing story Val! Write a book! "Advance k ba Mag-isip ? Dapat advance ka din magmahal!"

"It was so nice and very inspiring message...love it sis..magkikita na cla ni tita sa heaven"

"Thank you for sharing their story! It's like buying a house...."

"Thank you for sharing this very inspiring story! God bless your Tatang Ikko and family!"

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? How come these strangers are so shocked after hearing it? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na

12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na

12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel