OFW na tumulong sa amo na mapabalik ang asawa, nawalan daw ng anak dahil sa 'kulam'

OFW na tumulong sa amo na mapabalik ang asawa, nawalan daw ng anak dahil sa 'kulam'

- Isang dating OFW ang nagbahagi ng kakaibang karanasan nya sa KAMI tungkol sa kulam

- Nakakakilabot ang bawat detalye kung saan pinatunayan ng OFW na totoo pala ang kulam at gayuma

- Natulungan man niya ang kanyang amo ngunit siya naman ang binalikan ng kamalasan dahil sa hinihinging 'kapalit' ng 'kulam' o 'gayuma'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa ating bansa, lalo na sa probinsya madala nating makinig ang mga kwento tungkol sa mga 'kulam' o 'gayuma' 'ritwal' at iba pa.

Marami ang nagsasabi na totoo raw ang mga ito dahil sila mismo ay nakaranas na magpagawa o magawan ng mga bagay na iyon.

Gaya na lamang ng isang OFW na binahagi ang kanyang nakakikilabot na karanasan kung saan nagmalasakit siyang tulungan ang amo niyang babae na garapalang nangangaliwa.

Totoo kaya? OFW na tumulong sa amo na mapabalik ang asawa, nawalan daw ng anak dahil sa kulam

source: supplied

Masakit daw kasi para sa OFW na makita ang amo niya na tila para bang nanlilimos sa 'kabit' ng asawa nito para lamang bigyan sila ng sustento para manlang sa kanilang mga anak.

Kaya naman dala ng awa, naisipan niyang gamitan ng kakaibang paraan ang pagpapabalik ng asawa ng kanyang amo.

Nakalulungkot lamang isipin na sadyang mayroon daw na 'balik' sa taong nagpagawa ng ganitong ritwal na gawa raw ng kadiliman.

Narito ang kabuuan ng salaysay ng OFW na binahagi sa KAMI:

Dahil sa pagtulong ko sa kanya nawalan ako ng anghel,

Last 2014 namasukan akong kasambahay sa Manila,nagkataon ang amo ko ay may mahirap na setwasyon ,seaman Nga asawa nya Peru kailangan nya pang manlimus sa kabit ng asawa nya PRA mkahingi ng sustento para sa mga anak nya khit sya nman ang ligal wife,.

Awang awa aqu sa amo qu that time kami duremi pa nman ang anak nya at maliliit pa 6 lahat Peru wala ng pakialam ang lalaki sa kanila dahil Nga mas prioritise nya ang kabit nya kesa sa mga anak nya,lahat ng pag iyak ng amo ko kasama nya ako. Lhat ng problema nya alam ko lahat . awang awa na ako sa knya .

First time kinausap nya aqu kung may alam DW aqung solusyon sa problema nya . napaisip aqu and yes meron nman tlga Peru ang kailangan mag uwi aqu ng probinsya PRA magawa ang solusyon sa problema nya..ginas2han nya ako PRA mkauwi ng probinsya kami, dahil ang tanging naiisip kulang sa ganung problema ng amo ko ay bigyan sya ng gayuma PRA manumbalik ang damdamin ng asawa nya sa knya..ipinaritwal ko pa ang asawa nya para tatalaban tlga dhil Nga NSA ibang bansa pa .

After nun ipinadala ko sa kanya ang gamot after 1week na NASA kanya ang gamot laking pasalamat nya skin kami, dahil nkatanggap sya ng msg galing sa asawa nya,"sa susunod na bwan pababa aqu ng barko at dyan ako dderetso sa bahay" yan ang sabi ng asawa nya napaiyak sa pagtwag skin ang amo ko.

How many years na DW ngaun pa uuwi sa kanila ang padre de pamilya nila, ,wala nman tlga mahirap na puso sa ginawa qu pag gamot sa asawa nya deserve nman nya un dahil sumusubra na sya wla na syang pakialam sa mga anak nya , dman lang nagbgay ng susten2,.ilang taon din d nya aqu kinuntak kami after ng masaya ng buhay nya dahil nga bumalik asawa nya sa kanila ,

Last 2017 buntis aqu that time .biglang tumawag amo ko.dko cnagot kc sabi ko saka nya na ako maalala pag nay kailangan sya ilang taon na wla syang problema d man lang nya aqu nalala. ,mga ilang tawag na din sya bago ko sinagot , iyak ng iyak sakin kc daw ang kabit subrang tapang.

Sinugod sya dun sa bhay pra i claim ang asawa nya ,binlockmail nya na ilalabas nya ang malaswang video nila ng asawa nya pag d umuwi ang lalaki.,ang masaklap pa dw dun kami dinig ng mga bata ang pinagssabi ng kabit. Iyak ng iyak amo ko sa pagkwen2 nya sabay sabi baka nman pwd mung hanapan ng paraan pra 2luyan ng mawala sa landas namin ang higad na un

Totoo kaya? OFW na tumulong sa amo na mapabalik ang asawa, nawalan daw ng anak dahil sa kulam

source: supplied

Napaisip aqu ayaw ko na sanang 2lungan peru pag naaalala ko ang setwasyon nya nung time na namamasukan pa aqu sa kanila awang awa tlga aqu . .sabi ko naman cge ipapagamot ko pra mkalimutan nya asawa mu, sabi nya ayaw ko ung makalimutan nya gus2 ko ung 2luyan syang mawala, ipapatay nya dw, sa pamamagitan ng pag gamot at yes kayang kaya un d2 sa probinsya.,pinaliwanag ko sa knya lahat ng gagas2sin at mangyayari kapag nagawa na ito . i22loy nya dw tlga . wla ng atrasan dw sabi nya. .

Sinabhan ko din Na ikakapahamak ko pag umatras ka sa gagawin dahil mauuwi sakin ang lahat na gagawin nangako syang d magbabago isip nya cgurado na dw cia kaya sya gagastos ng malaki,,dumating na ang araw na gagawin na ang paggagamot,.nagtxt ang amo ko sabi wag mu ng i2loy ang pinapagawa ko,nagkasundo na kaming dalawa pag may mangyari sa knya ikaw ang ituturo ko .

Sa pagbasa ko ng message na un kami parang binagsakan aqu ng langit . tinatawagan ko sya cannot b reach na ang cellphone nya .ntatakot aqu sa balik ng pinagawa nya dhil kpag d nga i22loy naibbalik skin ang lahat . dahil nbili na lhat ng gagamitin sa paggot at nirritwalan na ng manggagamot . kontak aqu ng kuntak sa amo ko peru dna tlga cia makuntak ,.

Hinayaan ko nlang kami dahil sa lhat ng gasto nya ni pisong duling wla akong nai2long at bka wla din mangyyari sakin, yan ang nkkattak sa isip ko ,. Peru andun parin ang takot ko , ,paglipas ng 7bwan kami nailabas qu ang aking sanggol lalaki. Subrang saya ko dhil nagkaanak aqu ng lalaki , subrang healthy pa ng inilabas qu , ,d parin maalis sa isip ko ang mga ginawa ko sa pag2long sa amo ko..kala ko ok na ang lhat walang mangyyari un pala ay after a month napansin ko baby ko naninilaw sya.

Pati mata dilaw na dilaw, ipinagamot ko sya sa hospital peru wla nmang nkitang resulta ang ang mga doctor kung anung skit nya ,,naisip ko ang pag2long ko sa amo ko at ang sabi ng manggagamot na kapag hindi i2loy sa akin babalik ang pinapagawang paggamot. .

2mos.na baby ko saka ko na dinala sa manggamot na gumagawa ng pinapagawa kong paggagamot sa pag2long sa ko . iyak aqu ng iyak pag uwi sa bahay kami d maalis sa isip ko ang sabi nya "2 araw mula ngaun wla na yang anak mu mamatay na yan ,yan ang resulta ng pinagawa mung paggamot na umatras ka . nauwi sa dala dala mung sanggol , ,subra2x ang pag sisi ko bakit sa anak ko pa? Bakit d nlang sa akin ??

Hanggang ngaun nagluluksa parin ako sa nmayapa kong anak , kung alam ko lang na ganun ang mangyayari mas pipiliin ko nlang sanang wag nlang 2mulong,.

Sa amo ko sana maging for ever na kayo ng asawa mu , sana d nya kayo iiwan ulit , dko bbawiin ang bisa ng gamot na asa sayo pra dna mawala pa sau ang asawa mu . hangad ko kaligayahan mo , sa angel ko alam ko nasa heaven kna sorry sa ginawa ni mama ikaw pa napahamak .

Nagsisisi na ako sa ginawa ko, Mahal na mahal kita.

Which Filipino superstitions do you know? Pinoy Superstitions: Which Filipino Superstitions Do You Know? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars

Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars

Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel