Estudyante na pinalabas lang daw ng guro dahil sa pananakit ng tiyan, aksidenteng pumanaw

Estudyante na pinalabas lang daw ng guro dahil sa pananakit ng tiyan, aksidenteng pumanaw

- Ikinagulat ng marami ang biglang pagpanaw ng isang 7 taong gulang na bata na sumakit lamang ang tiyan at pinalabas ng guro

- Sa kasamaang palad, marahil dala ng sakit na nararamdaman, natumba ang bata at nabagok ang ulo nito na naging sanhi ng pagkamatay

- Iginigiit ng mga magulang ng bata na managot ang paaralan sa pagkawala ng kanilang 7 taong gulang na anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sumakit lamang daw ang tiyang ng isang pitong taong gulang na Grade 2 student kaya naman pinalabas ito ng kanyang guro.

Nalaman ng KAMI na aksidenteng pumanaw ang bata dahil sa pagkakabagok ng ulo. Nang pinalabas ang bata sa siid-aaralan, di raw kinaya ng bata at ito ay natumba.

Sa kasamaang palad, nabagok ang ulo ng bata sa bato. Nakabangon pa raw ito ngunit di kinaya at nagbula pa ang bibig.

Humihingi ng katarungan ang pamilya ng bata at naniniwala sila na dahil ito sa kapabayaan daw ng guro na basta na lamang pinalabas ang bata gayung may dinaramdam ito.

Narito ang video na nakuha ng KAMI mula sa Youtube:

Dapat daw, dinala manlang o pinasamahan sa clinic ang bata upang mabigyan ng karampatang lunas ang pananakit ng tiyan at hindi sana nauwi sa malagim na trahedya.

Samantala, nainiwala ang mga netizens na dapat lamang na managot ang paaralan sa nangyari sa bata. Narito ang ilan sa kanilang mga pahayag:

"Una private school yan, dpat in case of emergency prepared na sila, para saan pa ung mga binabyaran ng mga magulang? Pangalawa, masaket ang tyan ng bata, okay given walang clinic pero baket wala man ka concern concern ung teacher sa bata? Bat sa labas pa pinaupo wherein hndi sya makikita? Ano ba ung hayaang ung bata sa loob ng room para makita nya mga mangyayare? Responsibility besh, wala ung teacher nun. Hindi lang sana puro aral, sana may gabay din, profession mo yan dba? Naagapan sana ung buhay ng bata. Sa mga nagsasabing wag iblame ung teacher, kung magka anak ka at ganyan mangyare sa anak mo after ng mga sacrifices mo, ganyan pa din kaya sasabihin mo? Maging magulang muna kau."

"ang naging problema kc eh negligence sa part ng guro nagsabi ang bata na masakit ang tyan pero imbes na tanungin ng maige at tawagin magulang bigyan ng 1st aid ano ginawa tulad ng salita ng principal pinaupo sa labas ng classroom dba kapabayaan kawawa talaga dpat nabgyan ng paunang lunas d para palabasin sa classroom yun ang mali ng guro kaya ang netizen nakakapag comment sis"

"Nandon na tau na baka may sakit nga ung bata pero obligation parin nang teacher ung bata kasi nasa loob na nang school at wala din namang magulang ang pagaaralin pa ung anak kung Alam na sumasakit na ung Tyan..."

"..dapat dinala ng teacher ung student sa clinic in the first place,bakit nya pinaupo sa labas den pinabayaan,in the first place teacher is responsible kasi ur a teacher nga eh second family..hays"

Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica