Nakakadurog ng puso! Larawan ng apat na taong gulang na bata sa Payatas na nais makapag-aral, nag-viral

Nakakadurog ng puso! Larawan ng apat na taong gulang na bata sa Payatas na nais makapag-aral, nag-viral

- Di inaasahan ng nagpost ng larawan ng isang 4 na taong gulang na bata sa Payatas na magiging vira ito

- Nilapitan ng bata ang kumuha ng larawan at sinabing "'Nag-aaral ka? Sana ako rin,'"

- Ayon sa ina ni Mantang, isa lamang sa 5 anak niya ang nag-aaral dahil sa kakulangan sa pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagviral ang larawan na kuha ni Aris Villavieja, sa Payatas.

Kinunan niya ng litrato si Mantang, ang 4 na taong gulang na batang taga Payatas bilang parte ng kanilang proyekto.

Nalaman ng KAMI na lumapit pala si Mantang kay Aris at tinananong "'Nag-aaral ka? Sana ako rin," na siyang dumurog sa puso ni Aris.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Aris, "I went to Payatas for my photo-documentary project.I met this little girl named Mantang and I will NEVER forget these five words she said to me broke my heart. “Nag-aaral ka? Sana ako rin.”

Ayon pa kay Aris, naisip niya na marami daw mag-aaral ngunit mga pabaya lang.

"Naisip ko ang daming estudyante [but] we take school for granted," wika ni Aris sa panayam sa kanya ng ABS-CBN.

Bunso si Mantang sa limang magkakapatid at isa lang sa kanila ang nakakapag-aral.

"Paano 'yong project nila, uniporme...Iyong isa nga pumapasok walang baon,"ani Mary Jane Moraña, ang nanay ni Mantang.

Di maiwasang maawa at maantig ng ilang netizens kay anaman nagpabatid sila na nais nilang tulungan si Mantang.

Samantala, Sinabi naman ng DepEd na mayroon silang ilang hakbang na ginagawa upang mas matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap na pamilya ng bansa na hirap ding magpaaral.

"We practice inclusive education...at nandiyan din ang conditional cash transfer para sa pinakamahihirap," wika ni DepEd undersecretary Jesus Mateo.

Harassment: the great fear of every woman. How would you define the harassment? Do the men’s views on this problem differ from the women’s views? How many women have been harassed on the Philippines? Have You Ever Been Harassed? Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
PET, ginawang 25-percent ang shading threshold ni VP Robredo noong halalan 2016

PET, ginawang 25-percent ang shading threshold ni VP Robredo noong halalan 2016

PET, ginawang 25-percent ang shading threshold ni VP Robredo noong halalan 2016
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel