Guro na galit na galit, nakunan ng video ang paninigaw, pagbabanta at pagtadyak daw sa estudyante

Guro na galit na galit, nakunan ng video ang paninigaw, pagbabanta at pagtadyak daw sa estudyante

- Isang kamag-anak daw ng estudyante ang nag-bahagi sa facebook ng video ng di umanong pagninigaw, pagbabanta at pananakit pa sa estudyante

- Ayon sa video, inaakusahang bastos ang bata kaya nagawang magalit ng guro

- Nais pa yatang iparating ng nag-post ng video sa DepEd ang pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di raw ito ang unang beses na ginawa ng naturang guro ang pamamahiya sa 'inosente' niyang estudyante.

Nalaman ng KAMI na isang guro ang nakunan ng video na galit na galit sa kanyang estudyante dahil daw sa pagiging bastos nito.

Sa unang bahagi ng video, tinanong ng guro kung 'gangster' daw ba ang estudyante niyang may pangalang 'Glo'.

Nasambit pa ng guro na palaban daw si Glo at nilalabanan daw niya ang mga palaban. Inakusahan pa niya ang estudyante na 'bastos'.

Sa tinding galit din ng guro, nagawa pa di umano niyang bantaan ang estudyante.

"Subukan mong di umatend ng praktis, subukan mong umabsent, subukan mong magtransfer, ipit na ipit ang grades mo sakin!" pagbabanta ng guro.

"Magsumbong ka sa nanay mo better! para magkaalaman kami ng magulang o guardian mo kung anong klaseng tao ka!"

"Ayaw mong mapahiya, pwes umayos ka!"

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa facebook ng 'Ginalingan eh!'

Nasabi rin ng guro na may kung ano anong sinasabi ang bata sa kanya habang siya ay nakatalikod. Hinahamon niya ito na sabihin ito sa harap niya.

At nang di na ito magawang sabihin p amuli ng bata, lalong nag-init ang guro at sinabing tatadyakan daw niya ito.

Sa kasamaang palad, marahil dala ng matinding galit, nagawa ngang tadyakan ng guro si 'Glo'.

Sa ngayon, inaalam pa natin ang buong pangyayari at malaman sana natin ang buong anggulo ng kwento upang mas mabigyan ng karampatang aksyon ang dapat managot.

Ang motibo raw kasi ng nagpalabas ng video ay para maiparating ito sa kinauukulan lalong lalo na ang DepEd.

This woman is pretending she is waiting for her boyfriend to come, but these men do not seem to care. Social Experiment: Is Manila Safe at Night for Women in 2018? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica