OFW Pinay, tiniis ang gutom at pagdadamot ng pagkain ng amo huwag lamang mawalan ng trabaho sa Saudi

OFW Pinay, tiniis ang gutom at pagdadamot ng pagkain ng amo huwag lamang mawalan ng trabaho sa Saudi

- Bread winner si Joann Reyes sa limang magkakapatid kaya sa hirap ng buhay, napilitan siyang mangibang bansa

- Binahagi ni Joann ang hirap na dinanas niya sa Saudi dahil bukod sa hirap ng trabaho ginugutom siya ng kanyang amo

- Sa kabila ng pagdadamot at pagmamaltrato ng amo, tinitiis na lamang ito ni Joann wag lamang mawalan ng trabaho sa ibang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di na bago sa atin ang kwentong OFW kung saan nababalitaan natin ang di magagandang nangyayari sa ating mga kababayan sa ibang bansa.

Bukod sa pagmamaltrato, pagmamaliit sa ating mga kababayan ang iba ay nakararanas din gutom dahil sa kadamutan sa pagkain ng kanilang mga amo.

Isa na rito si Joann na buong tapang na binahagi ang kanyang kwento sa KAMI upang magsilbing aral at inspirasyon at para na rin malaman ng mga kapwa pilipino na may ganitong karanasan ang mga OFW.

OFW Pinay, tiniis ang gutom pagdadamot ng pagkain ng amo huwag lamang mawalan ng trabaho sa Saudi

OFW Pinay, tiniis ang gutom pagdadamot ng pagkain ng amo huwag lamang mawalan ng trabaho sa Saudi

Dinadaan na lamang ni Joann sa diskarte ag kayang pagkain at madalas dukot mula sa sariling bulsa pa.

Bukod dito naranasan din niya na maliitin ng kanyang mga amo dahil lamang sa hindi pa niya gaanong maunawaan anag kanilang lengwahe.

Pero di naging dahilan ang mga ito para iwan ang kanyang trabaho, dahil sa mga pangarap niya para sa kanyang pamilya, tinitiis niya ang pangangalam ng kanyang sikmura para sa mga binubuong pangarap sa kanyang pamilya.

Narito ang kwento ni Joann Reyes na sa edad niyang 25 na taon ay natutong lumaban sa hamon ng buhay para sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya.

Joann Reyes, 25 po single 5 kami ako panganay tas lahat po sila elementary pa lang, Highschool lng po natapos ko

Mahirap po buhay namin as in siguro po kami na pinaka mahirap sa lugar namin.taga polilio island po ako at lahat ng meron kami gaya ng lupain ay naka sanla pati palayan kaya naisip ko na lang po na mag abroad. Mangingisda ang hanapbuhay ng aking ama. Hindi po kc madaling kitain ang pera sa probinsya

1 yr and 3 mos na po ako dito sa saudi Hindi po madali ang naging buhay ko dito lalo na at bago lang nangangapa ako lalo na sa language nila may time na nasabihan ako ng amo kong babae na wala daw ako utak kc nga hindi ko maintain ung salita nila.pero lumaban ako nung pangatlong beses na kc maldita talaga amo kong babae kung hindi papatolan hindi titino.sa pagkain naman wala talaga ako aasahan at kuripot talaga ang ginagawa ko nalang e pinapatulog ko muna ako ako maglingka sa kusinahindi kc ngbibigay ng pagkain mas gusto nila itapon kesa ipakain sakin.sa umaga ganun din ginagawa ko habang tulog sila nagnanakaw ako ng food o kahit ano makita ko na biscuits tas dinadala ko sa kwarto ko para don kainin.siguro nga ung pagsakit ng ulo ko araw araw e dahil na rin sa gutom na nararanasan ko araw2 kaso tinitiis ko nalang, Hindi naman po sila nananakit nagmumura lang, Lagi po delayed ng 10 days, at wla po ako day off dito. 5 hrs lang tulog kokasi may bata akong alaga 2 yrs old ung bunso.

OFW Pinay, tiniis ang gutom pagdadamot ng pagkain ng amo huwag lamang mawalan ng trabaho sa Saudi

OFW Pinay, tiniis ang gutom pagdadamot ng pagkain ng amo huwag lamang mawalan ng trabaho sa Saudi

Danas na danas ko dito pumunta kami Dubai at bahrain... mga amo ko lang kumakain,hiyang hiya ako sa mga kababayan ko kaya ginagawa ko window shop ako, kumakain ako galing sa sarili kong bulsa ang pera, sobrang nahihiya ako sa mga servant at mga pinay/pinoy pa naman, hindi ko maintindihan bakit may mga ganyang amo hindi pa mabilaukan habang kumakain… hehhehe

Ang iniisip ko basta na sweldo ako at matupad ko ang pangarap ko na makatulong sa pamilya pati maka bili ng bahay para sa sarili ko.kasi kung susuko ako ako din ang talo Pero hindi ko pa naisipan sumuko mas na cha-challenge po ako kapag nahihirapan. Hehe mas mahirap po kc buhay sa pinas saka sa mga pangarap ko nlng ako kumakapit, pero kapag may bahay na ako saka konting ipon baka pahinga na ako sa pinas. Sa ngaun nag iipon po ako para matubos ko mga lupa ng magulang ko.

In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work. 3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystallу | BeKami on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Good news! Lahat ng empleyadong Pinoy na papasok sa August 21, makakatanggap ng double holiday pay

Good news! Lahat ng empleyadong Pinoy na papasok sa August 21, makakatanggap ng double holiday pay

Good news! Lahat ng empleyadong Pinoy na papasok sa August 21, makakatanggap ng double holiday pay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel