Chad Kinis, tinanghal na kauna-unahang champion ng LOL Philippines

Chad Kinis, tinanghal na kauna-unahang champion ng LOL Philippines

- Tinanghal na pinakaunang winner ng LOL Philippines si Chad Kinis

- Ito ay matapos niyang talunin ang sampung kilalang mga komedyante sa Pilipinas

- Ilan sa mga nakasama ni Chad ay sina Kim Molina, Jerald Napoles at Rufa Mae Quinto

- Si Vice Ganda naman ang naging host ng naturang programa

Si Chad Kinis ang tinanghal na pinakaunang champion sa Last One Laughing Philippines.

Chad Kinis, tinanghal na kauna-unahang champion ng LOL Philippines
Chad Kinis, tinanghal na kauna-unahang champion ng LOL Philippines (Chad Kinis / Prime Video PH)
Source: Facebook

Ito ay isang reality show kung saan nagsama-sama ang mga kilalang komedyante sa bansa at ang kanilang misyon ay mapigilang tumawa ngunit kailangang may mapatawa sa mga kasama loob ng anim na oras.

Sa kanyang Facebook post, maituturing daw ni Chad na isa umanong tagumpay ang kanyang panalong itong lalo na sa larangan niya na pagiging isang komedyante.

"Anim na oras na pagpipigil ng tawa kapalit ng tagumpay at habang buhay na ngiti sa mga labi," ani Chad.

Read also

Kris Aquino, uuwi na sa Pilipinas sa September ayon kay Bimby

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, siya ang nag-uwi ng halagang isang milyong piso.

Samantala, si Jerald Napoles naman ang tinanghal na first runner-up.

Ang iba pa nilang mga nakasama sa naturang programa ay sina Kim Molina, Negi, Jason Gainza, Pepe Hererra, Tuesday Vargas, Empoy, Victor Anastacio at Rufa Mae Quinto.

Si Vice Ganda naman ang host ng programa habang naging guest performers naman sina Divine Tetay at Petite.

Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung saan kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos sa kanilang YouTube channel.

Kilala rin si Chad sa kabutihan ng kanyang puso sa pagtulong sa mga taong nangangailangan lalo na noong panahon ng pandemya. Matatandaang minsan din niyang naibahagi ang pagmamahal at suporta sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang kapatid nang isilang nito ang kanyang pamangkin. Halos akuin na umano noon ni Chad ang pagiging ama dito.

Read also

Jennylyn Mercado, nagbigay pahayag ukol sa nababalitang alok umano ng ABS-CBN

Isa ring patunay dito ay ang naibahagi ni Ogie Diaz kung saan isa umano si Chad sa mga consistent na nagbibigay ng tulong sa kanilang Dugong Alay, Dugtong buhay at isa pa umanong foundation na kanilang sinusuportahan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica