Show ni Jake Zyrus sa USA, ayon sa source ni Ogie Diaz; "Mas gusto nila si Charice"
- Hindi raw kumita ang pinakahuling show ni Jake Zyrus sa Amerika ayon sa source ni Ogie Diaz
- Tinatayang nasa 700 ang pwedeng umokupa ng lugar subalit wala pa umanong 200 ang mga dumalo
- Ayon sa source ni Ogie Diaz, ang kadalasang dahilan ng ganitong pangyayari ay tila mas gusto pa rin ng karamihan ang dating Jake Zyrus na si Charice Pempengco
- Matatandaang nauna nang ibalita ni Cristy Fermin na tila nahihirapang makakuha ng mga proyekto si Jake na maging si David Foster ay 'di na umano siya natulungan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
December 10 nang magkaroon ng show ni Jake Zyrus sa San Diego, USA. Sa kasamaang palad, 'flop' daw umano ito ayon sa source ni Ogie Diaz.
Nalaman ng KAMI na tila hindi pa umabot sa kabuuang kapasidad ng venue ang bilang ng mga dumalo sa kanyang concert.
"More or less 700 ang capacity, e parang wala pang 200 yata ang umattend," ani Ogie.
Ang sinasabing dahilan umano nito ay dahil mas gusto pa rin 'di umano ng karamihan ang dating Jake Zyrus na si Charice Pempengco.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Ang sabi ng iba na hindi nakapanood ng concert, intensyunal na hindi sila manood kasi gusto raw nila yung boses nung Charice Pempengco pa siya"
Mapapansing hindi na nakakabirit si Jake na dati niyang nagagawa noong si Charice pa siya. Ito rin umano ang inaabangan ng iba at labis nilang hinahangaan sa katauhan ni Charice.
Gayunpaman, masasabing ang mga dumalo ay todo suporta pa rin kay Jake sa kabila ng kanyang napiling kasarian.
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie mula sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:
Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo.
Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus.
Kamakailan, naiulat ni Cristy Fermin ang paghingi umano ng tulong upang sana'y magkaroon ng proyekto si Jake sa music producer na si David Foster. Subalit sa kasamaang palad, hindi na rin umano siya nito natulungan. Matatandaang labis itong humanga noon sa kakaibang talento sa pagkanta ni Charice.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh