Derek Ramsay at Ellen Adarna, pinasilip ang kanilang tahanan

Derek Ramsay at Ellen Adarna, pinasilip ang kanilang tahanan

- Pinaunlakan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna si Morly Alinio na ipakita nito sa kanyang viewers ang kanilang bahay

- Hindi naman maitago ni Morly ang pagkamangha sa mga nakita niya sa loob ng bahay ng mag-asawa na dati nang naipatayo ni Derek kahit noong hindi pa sila magkasintahan ni Ellen

- Bukod sa mga silid at iba pang bahagi ng bahay, napakita din ni Derek ang kanilang mga sasakyan na mga luxury cars

- Isa sa mga ito ay ang regalo umano ni Derek kay Ellen na aniya ay nag-iisang kulay sa Bentley Bentayga S

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inilibot ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna si Morly Alinio sa bahay nila. Bukod sa mga silid at iba pang bahagi ng bahay, napakita din ni Derek ang kanilang mga sasakyan na mga luxury cars.

Read also

Show ni Jake Zyrus sa USA, flop ayon sa source ni Ogie Diaz; "Mas gusto nila si Charice"

Derek Ramsay at Ellen Adarna, pinasilip ang kanilang tahanan
Derek Ramsay at Ellen Adarna, pinasilip ang kanilang tahanan (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Ayon kay Derek, nang makita niya ang kulay ng naturang sasakyan ay alam niyang magugustuhan ng kanyang misis. Nang tanungin naman ni Morly kung ano ang presyo ng naturang sasakyan, hindi na nagbanggit si Derek ng presyo ngunit aniya ay "mabigat"

Pero aniya, basta masaya ang asawa niya, iyon ang mahalaga.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Derek Ramsay ay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please. Matatandaang naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila. Malimit ding kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng anak ni Ellen sa kanyang Tito Derek.

Sa kanyang Instagram story nitong Sabado, pinakita ni Ellen Adarna ang isang boat jet na may nakalagay na pangalan niya. Maririnig ang kanyang pagsasalita sa video sa kanyang IG story kung saan sinabi niyang impulsive ang kanyang asawa. Naka-tag din sa naturang video clip si Derek at biniro pa ni Ellen ang mister na magsusumbong siya sa mommy nito. Sa isa pang story ay makikita si Ellen at ang anak niyang si Elias na nakasakay sa boat jet.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel