Ellen Adarna, sinabing nahawa na kay Derek si Elias sa pagiging OC nito

Ellen Adarna, sinabing nahawa na kay Derek si Elias sa pagiging OC nito

- Nabanggit ni Ellen Adarna na tila nahawa na rin ang anak niyang si Elias Modesto kay Derek sa pagiging OC nito

- Nagsusumbong na rin umano ito kapag may makitang dumi o gasgas sa kanilang bahay

- Kwento pa ni Derek, noong binata pa siya ay hindi niya hahayaang may kumakain sa kanyang couch

- Gayunpaman, nang maging mag-asawa sila ni Ellen ay wala siyang nagawa dahil sa couch umano ni Derek mahilig kumain si Elias

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Ellen Adarna, tila nahawa na ang anak niyang si Elias Modesto sa pagiging OC umano ni Derek Ramsay. Aniya, agad itong nagsusumbong tuwing nakakakita ng gasgas o dumi.

Ellen Adarna, sinabing nahawa na kay Derek si Elias sa pagiging OC nito
Ellen Adarna, sinabing nahawa na kay Derek si Elias sa pagiging OC nito (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Para naman kay Derek, magandang katangian yung maalaga sa mga gamit. Palagi umano nilang pinapaalalahanan si Elias na bigyang halaga ang kanyang mga gamit mahal man o hindi ang gamit niya.

Read also

Show ni Jake Zyrus sa USA, flop ayon sa source ni Ogie Diaz; "Mas gusto nila si Charice"

Ayon pa kay Derek, noong binata pa siya ay hindi siya pumapayag na may kakain sa kanyang couch. Gayunpaman, sa couch umano nakahiligan ni Elias na kumain kaya wala na rin siyang nagawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Derek Ramsay ay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please. Matatandaang naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila. Malimit ding kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng anak ni Ellen sa kanyang Tito Derek.

Sa kanyang Instagram story nitong Sabado, pinakita ni Ellen Adarna ang isang boat jet na may nakalagay na pangalan niya. Maririnig ang kanyang pagsasalita sa video sa kanyang IG story kung saan sinabi niyang impulsive ang kanyang asawa. Naka-tag din sa naturang video clip si Derek at biniro pa ni Ellen ang mister na magsusumbong siya sa mommy nito. Sa isa pang story ay makikita si Ellen at ang anak niyang si Elias na nakasakay sa boat jet.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel