Madam Inutz, emosyonal nang makita muli ang papatapos na niyang tahanan

Madam Inutz, emosyonal nang makita muli ang papatapos na niyang tahanan

- Napaluha na naman si Madam Inutz nang bisitahin niya muli ang kanyang halos papatapos na niyang tahanan

- Kasama ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino, nilibot niya ang kanyang tahanan na unti-unti nang nabubuo

- Ipinakita niya ang bawat sulok nito lalo na ang lugar para sa kanyang pinakamamahal na ina

- Matatandaang, bago siya pumasok sa Pinoy Big Brother House ay inihandog na ito sa kanya ng kanyang sir Wil

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilang maluha ni Madam Inutz nang makita niya ang itsura ng pinatatayong bahay na handog sa kanya ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Madam Inutz, emosyonal nang makita muli ang papatapos na niyang tahanan
Wilbert Tolentino Vlogs (Madam Inutz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na malaki na ang improvement ng tahanan ni Madam Inutz na nasa loob pa umano ng isang subdivision.

Kasama ang kanyang boyfriend na si Tantan at ang kanyang sir Wil, nilibot ni Madam ang kanyang halos papatapos nang bahay.

Read also

Pretty Trizsa, emosyonal nang balikan ang lugar kung saan siya nanatili bilang homeless

Sa bungad pa lang, makikita na ang kanyang sariling shop kung saan magaganap ang kanyang pago-online selling.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naglaan din siya ng lugar para mas maging komportable ang kanyang pinakamamahal na ina.

Gayundin ang mga silid ng kanyang mga anak at ilang kusina na pruweba ang hilig ni Madam Inutz sa pagluluto.

Matatandaang isang taon na ang nakararaan, bago pa man siya pumasok sa Pinoy Big Brother house, inihandog ni Sir Wilbert ang naturang tahanan kay Madam Inutz upang magsilbing inspirasyon na pagbutihin pa lalo nito sa industriya ng showbiz.

Samantala, narito ang kabuuan ng video mula sa Wilbert Tolentino VLOGS:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 150,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Read also

Vice Ganda, sinubukang manghingi ng sangkap ng adobo sa mga kapitbahay niya

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng kanyang pagsisikap.

Nang makalabas noon sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel