Madam Inutz, handa na sa pamamahagi ng tulong sa nasalanta ng Bagyong Paeng

Madam Inutz, handa na sa pamamahagi ng tulong sa nasalanta ng Bagyong Paeng

- Handa na umano si Madam Inutz na mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng

- Ipinakita niya ang halos gabundok nilang pinamili para ipamigay sa mga naapektuhan ni Paeng sa Batangas o Cavite

- Sa post ni Madam Inutz, nabanggit niyang ang Team Ka-freshness, Ka-Inutz, Ka-budol ang kanyang makakasama sa pamamahagi

- Oktubre 29 nang manalasa ang Bagyong Paeng Sa bansa kung saan marami sa kababayan natin ang labis na naapektuhan at marami-rami rin ang bilang ng mga nasawi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nakalimot si Madam Inutz na mamahagi ng tulong para sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Paeng noong Oktubre 29.

Madam Inutz, handa na sa pamamahagi ng tulong sa nasalanta ng Bagyong Paeng
Daisy Lopez (Madam Inutz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na namili ng gabundok na pagkain, sako-sakong bigas si Madam Inutz na kanila umanong ipamamahagi sa mga kababayan natin sa Batangas at Cavite.

Read also

Cristy Fermin sa mga nagtatanong kung nasaan na nga ba si AJ Raval; "Ay walang nakakaalam"

Ang mga nasabing lugar ang ilan lamang sa nakaranas ng pagbaha sa tindi ng hagupit ni Paeng.

Sa kanyang Facebook post, makikitang nasa ibabaw na ng kanilang pinamili si Madam Inutz sa dami ng mga ito upang mas marami umano silang matulungan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ready na ang Team Ka-Freshness, Ka-Inutz, Ka-budol. Mamamahagi kami ng konting tulong para sa mga kababayan natin nasalanta ng bagyo. Somewhere in Batangas at Cavite, hintayin niyo po kami. Ohhh Jiieevaaa, Mahal namin kayo"

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 150,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Read also

Vlogger na si Virgelyn, agad na nagdala ng tulong sa mga binaha dahil kay 'Paeng'

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng kanyang pagsisikap.

Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity edition kung saan pasok siya sa Final 5.

Nang makalabas noon sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel