Vice Ganda, sinubukang manghingi ng sangkap ng adobo sa mga kapitbahay niya

Vice Ganda, sinubukang manghingi ng sangkap ng adobo sa mga kapitbahay niya

- Naibahagi ni Vice Ganda na noong bata pa siya ay malimit siyang utusan ng nanay niyang manghiram ng kulang na sangkap sa lulutuing ulam ng nanay niya

- Naging bahagi umano ito ng kanyang pagkatao kung paano siya makisama at mag-share sa mga taong kanyang nakakasalamuha

- Sa kanyang bagong vlog ay sinubukan niyang manghingi ng mga sangkap sa adobo kasama ang kaibigan niyang si Lassy

- Binigay nila sa mga naka-duty na guard sa kanilang village ang niluto nilang pork and chicken adobo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Vice Ganda, nakagisnan niya sa lugar kung saan siya lumaki na nagbibigayan silang magkakapitbahay tuwing magluluto at may sangkap na kulang. Kaya naman sa kanyang bagong vlog ay sinubukan niyang manghingi ng sangkap para sa lulutuin niyang adobo mula sa kanyang mga kapitbahay.

Read also

Pretty Trizsa, emosyonal nang balikan ang lugar kung saan siya nanatili bilang homeless

Vice Ganda, sinubukang manghingi ng sangkap ng adobo sa mga kapitbahay niya
Vice Ganda, sinubukang manghingi ng sangkap ng adobo sa mga kapitbahay niya (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Halos lahat sa mga kapitbahay niya ay hindi nag atubiling magbigay kahit pa yung kapitbahay niyang hindi pa nakikita kung sino ang nanghihingi. Masaya umano si Vice na napatunayan niyang likas na mapagbigay ang mga Pinoy.

Sa huling bahagi ng vlog ay binigay nila sa mga naka-duty na guard sa kanilang village ang niluto nilang pork and chicken adobo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Read also

DonEkla, kinaaliwan sa pagpapatawa kasama sina MC at Lassy

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel