Pamilya ng nawawalang teacher sa Parañaque, dumulog sa RTIA; huling kasama, kinilala

Pamilya ng nawawalang teacher sa Parañaque, dumulog sa RTIA; huling kasama, kinilala

- Dumulog na sa programa ni Senator Raffy Tulfo ang pamilya ng nawawalang teacher sa Parañaque

- Ipinakita rin ang CCTV footage kung saan nakunan umano ang teacher at ang umano'y huling nakasama nito bago siya mawala

- Malakas ang kutob ng pamilya na base sa CCTV, ang umano'y huling kasama ng teacher ay ang dati nilang landlord sa inuupahang bahay

- Dahil dito, person of interest ngayon ang landlord na sinasabing napuntahan na para matanong ng mga pulisya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa na namang babae ang nawawala, ngayon naman ay sa Parañaque City noon pang Setyembre 21.

Pamilya ng nawawalang teacher sa Parañaque, dumulog sa RTIA; huling kasama, kinilala
Photo: Amelia Montemayor (Wanted sa Radyo/ Raffy Tulfo in Action)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na dumulog na sa Raffy Tulfo in Action ang pamilya ng teacher na si Amelia Montemayor gayung ilang mahigit isang buwan na itong nawawala.

Nakunan ng CCTV ang umano'y huling araw na nakita ang teacher mula sa kanyang pinagtuturuang paaralan.

Read also

Tom Rodriguez, nakapanayam ni Ogie Diaz; "I'm happily moving on"

Sa naturang footage, nakitang may kasama itong lalake at sumakay pa ang dalawa sa motorsiklo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa pamilya ni Teacher Amelia, tila namumukhaan umano nila ang lalake na sinasabing dati nilang landlord sa inuupahang bahay.

"Sa mga oras na pong ito sir ay andun na po ang mga pulis natin at kasalukuyan pong iniimbestigahan 'yung sinasabi nilang dating landlord ni Ma'am Amelia," ayon kay P/Maj. Phil Alunday, chief Investigation section ng Parañaque City PNP.

Ayon naman sa principal ng paaralan, sinabi nitong sa pagdadala pa lamang ng appointment ni Teacher Amelia kasama na nito ang nobyo na kanyang nausisa gayung ito'y kasama niya. Taliwas naman ito sa pahayag ng pamilya na wala raw karelasyon si Amelia.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang imbestigasyon lalo na at ilang araw na itong hindi panakababalik sa kanilang tahanan.

Read also

Kapatid ng ₱1M winner ng Wowowin nakausap ni Ogie D; "₱400K pa lang ang nakuha"

Isa ang programang Raffy Tulfo in Action sa tumutok sa pag-usad ng kaso ng pagkawala rin ng isang babae sa Palawan.

Noong Agosto 5, gumulantang sa publiko ang pagkawala ng 22-anyos na dalagang si Jovelyn Galleno. Sa salaysay ng kapatid nito, 6:30 ng gabi nang araw na iyon, nag-out si Jovelyn na kinumpirma ng kanyang boss sa mall kung saan siya nagtatrabaho.

Nakapag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid subalit makalipas ang ilang oras, hindi pa rin ito dumarating sa kanilang bahay. Sa tulong ng ilang kuha niya sa CCTV, nakumpirma nila ang ilan sa mga mga pinatunguhan ni Jovelyn maging ang pagsakay nito sa multicab.

Mahigit tatlong linggo na ang nakalipas, natagpuan ang mga sinasabing buto ni Jovelyn sa lugar na nahalughog na umano sa mga unang oras at araw pa lamang nang siya ay mawala.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel