Kapatid ng ₱1M winner ng Wowowin nakausap ni Ogie D; "₱400K pa lang ang nakuha"

Kapatid ng ₱1M winner ng Wowowin nakausap ni Ogie D; "₱400K pa lang ang nakuha"

- Nakapanayam ni Ogie Diaz ang umano'y kapatid ng nanalo sa 'Pera o Kahon' ng Wowowin noong nakaraang taon

- Isang komento kasi ang nakita nila kung saan sinasabing hindi pa nakukuha ng winner ang isang milyong piso

- Php400,000 pa lamang ang nakuha nito at dahil wala na raw sa GMA ang programa, sila na ang pinag-aasikaso na kunin ang kabuuan sa sponsor ng programa

- Umaasa si Ogie na magagawan umano ito ng paraan ng programa ni Willie upang makuha na ng nanalo ang kanyang premyo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakausap ni Ogie Diaz si Sam Molina, ang nagpakilalang kapatid ng one million peso winner ng 'Pera o Kahon' noong October 2021.

Ogie D, nakausap ang Php1 million winner ng Wowowin; "Php400,000 pa lang ang nakuha"
Photo: Willie Revillame
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nagkomento ang netizen na si "mjnatural30" sa post ng 'Wowowin' at hayagang sinabi na hindi pa umano niya natatanggap ang isang milyong pisong premyo.

Read also

Tom Rodriguez, nakapanayam ni Ogie Diaz; "I'm happily moving on"

Kaya naman inalam ni Ogie Diaz kung totoo o baka naman 'joke' lamang ang naturang post hanggang sa nakausap na nga nila si Sam.

"Sabi niya, Php400,000 pa lang po ang nakukuha namin sa declared value nilang cash prize. Hiningi ko 'yung full details. Sabi ko kung ano po yung pangako nila, sino po particularly from Wowowin ang kausap nila," ani Ogie D.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Humingi na rin ito ng tulong kay Ogie gayung binigyan na sila ng tagubilin na sila na ang kakausap sa sponsor na magbibigay ng premyo gayung wala na ang Wowowin sa GMA.

"Kami raw po ang maghabol sa sponsor ng kanilang programa na 'Pera o Kahon' Since wala na raw po si sir Willie sa GMA," ayon daw sa kapatid ng winner.

"'Yung 400,000 po na ibinigay sa amin, ay inabonohan na lang po ng finance team nila. Si Ma'am Edith po na staff ni Sir Willie Revillame ang kausap namin," ayon pa raw kay Sam na sinabing ngayong Marso 2022 lang nila nakuha ang Php400,000 na bahagi lamang ng isang milyon sanang premyo ng kanyang kapatid.

Read also

Ogie Diaz, nakita larawan ng natsi-tsismis na umano'y nabuntis ni Chiz Escudero

Nilinaw naman ni Ogie na ang mga pahayag na ito ay mula pa lamang sa kapatid ng nanalo na si Johndolf Molina at nais din nilang malaman ang pahayag naman ng programang 'Wowowin.'

"Siyempre, ayaw din naman natin na sasabihin nilang ano ba naman 'yang show ni Willie Revillame, nangako na nga hindi pa tinupad. Na ginagawa lang press release yung 1 million pero hindi naman pala totoo. Ayaw naman nating makarinig ng ganoon sa kanila"

"Dapat malinawan ito ng Wowowin, kasi hindi ito maganda sa reputasyon ni Kuya Wil," ayon pa kay Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake". Naging manager din siya ng mga sikat na artista katulad ni Liza Soberano.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng maraming netizens ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel