Ogie Diaz, nakita larawan ng natsi-tsismis na umano'y nabuntis ni Chiz Escudero

Ogie Diaz, nakita larawan ng natsi-tsismis na umano'y nabuntis ni Chiz Escudero

- Hayagang nasabi ni Ogie Diaz na may nagpakita ng larawan sa kanya ng natsi-tsismis na umano'y nabuntis ni Senator Chiz Escudero

- Nakarating na rin sa kanya na umano'y nakapanganak na ang babaeng ito na hinihinala nilang isang abogado

- Naging matunog ang usap-usapang ito mula nang pumutok ang tsismis ng umano'y hiwalayan nina Heart Evangelista at ni Senator Chiz

- Gayunpaman, wala pang kumpirmasyon kung totoo nga ba ang tsismis na ito lalo na at isang pribadong indibidwal ang itinuturong 'other woman'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Ogie Diaz sa pinakabagong episode ng kanyang 'Showbiz Update' ang tungkol sa tsismis ng 'di umano'y babaeng nabuntis ni Senator Chiz Escudero.

Ogie Diaz, nakita ang larawan ng 'di umano'y nabuntis ni Chiz Escudero; 'Lawyer yata'
Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero (Love Marie Escudero YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na isang source ni Ogie Diaz ang nagpakita sa kanya ng larawan ng babae na sinasabing isa umanong abogado.

Read also

Ice Seguerra, sa 17 taong niyang depresyon; "Feeling ko wala na akong purpose"

"May nag-send sa akin ng picture 'nung girl. Siyempre hindi naman ako, Ay 'wag kang maingay, siya 'yun.. Aah, may gano'n," ani Ogie.

"Siyempre since pribadong tao yun, hindi para ilabas natin dito. Kasi baka mali 'yung picture 'di ba? Maiskandalo 'yung pamilya. Pero parang ano rin yata 'yun, lawyer din ata yun," dagdag pa ni Ogie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kasi ang chika pa, chief of staff 'ata," ayon naman kay Tita Jegs.

At nang matanong naman si Ogie kung ano ang itsura ng babae, hindi raw ito kahawig ni Heart.

"Siguro hindi sila magkamukha. 'Yung magkasing ganda e hindi rin naman sila magkasing ganda. Mayroong sariling ganda 'yung girl, May sarili ring ganda si Heart. So nasa mata naman ng tumitingin 'yun," ani Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa kanilang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Read also

Ice Seguerra, sinabing alam nina Tito, Vic and Joey ang tungkol sa kanyang kasarian mula pagkabata

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at kilalang showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake". Naging manager din siya ng mga sikat na artista katulad na lamang ni Liza Soberano.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng maraming netizens ang mga video sa kanyang mga YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates". Dito, mapapanood ang mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang mga kilalang personalidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel