Ice Seguerra, sinabing alam nina Tito, Vic and Joey ang tungkol sa kanyang kasarian mula pagkabata

Ice Seguerra, sinabing alam nina Tito, Vic and Joey ang tungkol sa kanyang kasarian mula pagkabata

- Nabanggit ni Ice Seguerra na alam umano nina Tito, Vic and Joey ang kanyang kasarian noon pa man

- "Nilinaw pa niya sa panayam sa kanya ni Karen Davila na tila mula pa nang siya'y kinder, alam umano niyang hindi siy

- Aniya , tinatawag pa umano siya ni Vic Sotto bilang 'pogi' o 'pare gayung maaring napapansin na rin ng mga ito ang tungkol sa kanyang kasarian

- Gayunpaman, nakatatak na rin talaga sa puso ng marami ang pagiging child star ni Ice noong siya'y si Aiza Seguerra pa lamang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilinaw ni Ice Seguerra sa panayam sa kanya ni Karen Davila na hindi umano kailanman siya ay naging straight.

Ice Seguerra, sinabing alam nina Tito, Vic and Joey ang kanyang kasarian mula pagkabata
Ang noo'y si Aiza Seguerra, Tito Sotto at Vic Sotto (Eat Bulaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nasa kindergarten pa lamang daw si Ice, ramdam niyang hindi umano siya 'babae.'

"Ay sandali lang ah, there was never a straight."

"When I was in nursery, I already knew," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaya naman noong siya raw ay nasa Eat Bulaga, masasabi niyang alam na nina Tito, Vic and Joey ang kanyang kasarian.

"They knew, kasi ang tawag ni Tito Vic sa'kin, oy pogi... pare... ganyan ako kaliit ah, pagbabalik-tanaw niya.

Kaya naman nang tuluyan na rin siyang lumantad patungkol sa kanyang kasariannoong siya'y nasa high school na, maluwag din siyang tinanggap ng kanyang mga magulang.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Karen Davila:

Si Ice Seguerra ay isang singer at aktor sa Pilipinas. Sumikat siya nang maging bahagi ng Eat Bulaga na kinagiliwan ng marami.

Ang Little Miss Philippiines ay bahagi ng "Eat Bulaga" kung saan mga cute at talentadong mga batang babae ang nagiging kalahok upang ibahagi ang kanilang talento at talino at magbigay saya at inspirasyon sa mga manonood.

Ilan sa mga sikat na artista na naging produkto ng patimpalak na ito at sina Ice Seguerra, Cammille Prats, at maging si Pauleen Luna.

Kamakailan ay nagdiwang ang ng ika43 na anibersaryo ang Eat Bulaga kung saan si Coney Reyes ang naging espesyal na panauhin nila.

Si Coney ang isa sa mga orihinal na host ng longest-running noontime show sa bansa kasama sina Joey De Leon, Tito Sotto at Vic Sotto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel