Ka-look-alike ni Jericho Rosales, ipinaglihi raw pala talaga sa aktor

Ka-look-alike ni Jericho Rosales, ipinaglihi raw pala talaga sa aktor

- Matapos mag-viral ng kanyang mga larawan, nakapanayam ng programang KMJS si Junrey Baug

- Siya ang nakunan kamakailan ng larawan sa Davao De Oro dahil sinasabing kamukhang-kamukha nito ang aktor na si Jericho Rosales

-Kwento ng ama ni Junrey, ipinaglihi pala talaga ito ng kanyang ina sa aktor na si Jericho

- Ayon pa sa kanyang kapatid, sa kanila umanong walo, tanging si Junrey ang naiiba ng mukha

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natunton ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho ang kinaroroonan ng ka-look-alike ni Jericho Rosales na si Junrey Baug.

Ka-look-alike ni Jericho Rosales, ipinaglihi raw pala talaga sa aktor
Junrey Baug (Kapuso mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kamakailan lamang ay nag-viral ang larawan ni Junrey na kuha umano sa isang amusement park sa Monkayo, Davao De Oro.

Kapansin-pansin daw talaga si Junrey gayung malaki ang pagkakahawig nito kay 'Echo.'

Kwento ng ama ni Junrey, ipinaglihi raw talaga ito sa aktor. Katunayan, tanging ang mga larawan at palabas sa telebisyon ang nais lamang panoorin at tingnan ng ina habang ipinagbubuntis siya nito.

Read also

Antonette Gail, sinugod sa ospital dahil sa pagkakaroon ng bartholin cyst

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanila umanong walong magkakapatid, tanging si Junrey ang may ibang mukha na may pagka-artistahin.

Matatandaang ilang araw matapos na mag-viral ang larawan niya, nakuha agad siyang product endorser. Nang mabihisan, mas lalong lumitaw ang pagka-Jericho Rosales nito.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Kapuso mo, Jessica Soho:

Isa ang programa ng batikang broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.

Bukod sa mga nakamamanghang mga kwento na kanyang naibabahagi, kapupulutan din ng aral ang mga ito kaya naman buong pamilya ang maaring manood ng kanyang programa.

Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pangunguha ng kawayan ng isang bulag na ginagawa niyang alkansya para mailako.

Tinutukan din ng marami ang kwento ng magsasakang nakatira sa bundok at nag-aararo ng walang kalabaw.

Read also

Pamilya ni Jovelyn Galleno, emosyonal na naglabas ng saloobin sa pagkawala ng dalaga

At maging ang pagkawala ng isang 22-anyos na dalaga sa Palawan ay naitampok din sa KMJS na nakipagtulungan umano sa mga awtoridad upang mas mapadali ang paghahanap dito. Umaasa ang marami na buhay pa ito at maayos na makababalik sa kanyang pamilyang labis na nag-aalala na sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica