Vlogger, nag-iiwan ng pera sa iba't ibang lugar para hanapin ng maswerte niyang follower
- Marami ang namangha sa kakaibang pagbabahagi ng biyaya ng isang vlogger mula Davao City
- Ngayon lamang Abril niya ito sinimulan kung saan marami na ang tumangkilik
- Sinasadya nang mag-iwan ang halagang Php500 o Php1,000 upang makapagbigay saya ito sa makakakakita
- Labis namang nasisiyahan ang vlogger lalo na at nakatutulong siya sa kapwa niya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Natuwa ang marami sa naisipang content ng vlogger na si Ricci Generoso kung saan nag-iiwan ito ng mga pera sa iba'ibang lugar.
Nalaman ng kami na nagawa na ito ni Ricci sa Luzon, Visayas at Mindanao na talaga namang pinakaabangan ng ng kanyang subscribers.
Ayon sa ulat, aminado si Ricci na hindi niya ito orihinal na konsepto subalit ang mahalaga ay nakatutulong sa kapwa.
Napanood ni Ricci sa Tiktok ang money hunt challenge sa abroad kaya naisipan niya itong gayahin.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"'Yung feeling na excited ka. I want to share that feeling sa followers ko. Kaya tuwang-tuwa kapag sini-share nila 'yung video nila tapos happy na happy sila na nakikita nila 'yung pera," sabi ni Ricci.
Isa ang programa ng batikang broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.
Bukod sa mga nakamamanghang mga kwento na kanyang naibabahagi, kapupulutan din ng aral ang mga ito kaya naman buong pamilya ang maaring manood ng kanyang programa.
Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pangunguha ng kawayan ng isang bulag na ginagawa niyang alkansya para mailako.
Tinutukan din ng marami ang kwento ng magsasakang nakatira sa bundok at nag-aararo ng walang kalabaw.
Isang vlogger ang nagpanggap na pulubi at humingi ng maiinom na tubig sa magsasaka ngunit higit pa sa tubig ang naibigay nito dahil sinamahan pa niya ito ng kanin at tuyo.
Dahil dito, naisipan naman ng vlogger na bukod sa tulong pinansyal, binigyan din niya ito ng kalabaw.
Source: KAMI.com.gh