Viy Cortez, ibinahagi ang reaksyon ni Cong nang mapanood ang kanyang Toni Talks interview

Viy Cortez, ibinahagi ang reaksyon ni Cong nang mapanood ang kanyang Toni Talks interview

- Ibinahagi ni Viy Cortez ang naging reaksyon ni Cong Velsquez nang mapanood nito ang kanyang interview sa Toni Talks

- Ipinakita rin niya ang paghahanda sa kanya ni Cong bago ang naturang interview

- Sa naturang panayam din kasi natalakay nila kung paano nagsimula ang love story nila ni Cong

- Maging ang negosyo at pagiging supportive ni Cong ay nabanggit din sa nasabing video

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinakita ni Viy Cortez ang naging reaksyon ng kanyang partner na si Cong Velasquez sa naging guesting niya sa Toni Talks.

Viy Cortez, ibinahagi ang reaksyon ni Cong nang mapanood ang kanyang Toni Talks interview
Viy Cortez at Cong Velasquez (Photo: Viy Cortez)
Source: Facebook

Ibinahagi rin niya ang ilang behind the scenes footage nila kung saan nabanggit ni Viy na idol pala umano niya si Toni noon pa man.

Tila nag-praktis pa sila ni Cong ng mga posibleng maitanong sa kanya sa naturang interview na kinapulutan naman ng napakaraming aral ng mga nakapanood.

Read also

Kylie Versoza, pinasalamatan si Jake Cuenca sa inspirasyon umano nito sa buhay niya

Halos walang nasabi si Cong habang pinanonood ang video at natatawa na lamang sa kakulitan pa rin ni Viy kahit kaharap na nito si Toni Gonzaga. Lalo na sa bahagi kung saan ikinikwento na ni Viy ang love story nila ni Cong na ngayo'y pitong taon na niyang karelasyon at excited na silang makasama ang kanilang magiging unang supling.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Tigas talaga!" ang nasabi nalang ni Cong nang mapanood nito ang bahagi kung saan kaswal na sinabi ni Viy na ninang si Toni ng ipinagbubuntis niyang si Kidlat.

Narito ang kabuuan ng reaction video mula sa YouTube channel ni Viy Cortez:

Si Lincoln "Cong" Velasquez ay isa sa mga kilalang vlogger sa bansa. Mayroon na siyang halos 10 million na subscribers sa kanyang YouTube channel na Cong TV. Nobya niya ang vlogger at CEO ng VIY Line cosmetics na si Viy Cortez.

Read also

Toni Fowler, nagpapasalamat kay Vince Flores sa pagiging maunawain nito

Matatandaang umalma kamakailan si Cong sa umano'y fake news na kumalat at sinabing isa sila sa mga personalidad na sumusuporta sa UniTeam noong panahon ng kampanya.

Bago pa man maglabas ng pahayag si Cong ukol dito, nauna nang nasabi ng kasama nila sa Team Payaman na si Vien Ilagan na walang katotohanan ang ngayo'y burado nang post.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel