Kylie Versoza, pinasalamatan si Jake Cuenca sa inspirasyon umano nito sa buhay niya

Kylie Versoza, pinasalamatan si Jake Cuenca sa inspirasyon umano nito sa buhay niya

- Aminado si Kylie Versoza na malaking bahagi ng kanyang pagganap sa bago niyang pelikula si Jake Cuenca

- Pinasalamatan niya ito sa aniya'y malaking parte ni Jake kung paano niya nagampanan nang maayos ang kanyang character na isang mentally unstable

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Nabanggit niya ito sa mediacon ng pelikulang 'Ikaw Lang Ang Mahal' kung saan kasama niya si Zanjoe Marudo

- Matatandaang lumabas ang tungkol sa balitang hiwalay na sina Jake at Kylie matapos mapansin ng mga netizens na wala na silang masyadong pictures na magkasama

Sa ginanap na mediacon ng pelikulang Ikaw Lang Ang Mahal, naibahagi ni Kylie Versoza na malaki ang parte ni Jake kung paano niya nagampanan nang maayos ang kanyang character na isang mentally unstable. Matatandaang nitong nakaraang buwan lamang nang aminin ni Jake ang tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Read also

Senator Drilon, may payo sa mga kapwa senador; "Unang una, mag-aral po kayo"

Kylie Versoza, pinasalamatan si Jake Cuenca sa inspirasyon umano nito sa buhay niya
Kylie Versoza at Jake Cuenca (@juancarloscuenca)
Source: Instagram
"Jake was a big process in building Lira (ang kanyang ginagampanang karakter). Malaki ang inspirasyon niya sa buhay ko.Thank you kay Jake kasi malaking parte ng journey ng character ni Lira, e, nakatulong siya."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matapos lumabas ang bali-balita noong hindi pa sila umaamin sa kanilang paghihiwalay, naging basehan din ng ilang netizens ang mga cryptic posts ng dalawa sa social media. Gayunpaman, lalong naging maigting ang spekulasyon matapos maging emosyonal ni Kylie sa kanyang guesting sa It's Showtime.

Si Jake Cuenca ay isang Filipino-American actor at model. Isinilang siya sa San Jose, California at lumaki sa Manila. Naglaro din siya sa United Football League Division 2.

Una siyang na-discover ng talent scout na si Arvin Bentonon para sa Cosmo Modeling Agency sa edad na siyam na taong gulang. Kasunod nito ay naging bahagi siya ng ilang commercials sa TV at print ads. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay In the Name of Love (2011), Encantadia (2005) at Ang Panday (2017).

Read also

Rita Avila, inaming huling umiyak sa pagpanaw ng supporter ni VP Leni

Naging bahagi din siya ng grupong Coverboys kasama sina Sam Milby, Zanjoe Marudo, Rafael Rosell, Victor Basa at John Lloyd Cruz.

Kamakailan ay nag-trend si Jake matapos niyang ilabas ang ilang cryptic posts. Maging si Kylie ay nag-post ng salitang "broken" kaya lalong umigting ang usap-usapang hiwalay na nga sila ni Jake.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel