Rita Avila, inaming huling umiyak sa pagpanaw ng supporter ni VP Leni

Rita Avila, inaming huling umiyak sa pagpanaw ng supporter ni VP Leni

- Inamin ni Rita Avila na huli siyang umiyak nang malamang pumanaw ang lola sa viral video na isang supporter ni VP Leni Robredo na si Gloria Beltran

- Aniya, naantig siya sa binitawang mga salita nito patungkol sa kanyang pang-unawa sa kabila ng umano'y kakulangan sa pag-aaral

- Matatandaang si Nanay Gloria ang supporter ni VP Leni sa Gerona, Tarlac na maagang gumising para abangan ang motorcade ng bise presidente

- Nagawa pang dumalaw ni VP Leni sa burol ni Nanay Gloria bago ito magtungo sa thanksgiving rally ng kanilang grupo noong Mayo 13

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Emosyonal na naikwento ni Rita Avila na huli siyang umiyak nang malamang ang pagpanaw ni Gloria Beltran, ang 75-anyos na supporter ni VP Leni Robredo mula sa Gerona Tarlac.

Rita Avila, inaming huling umiyak sa pagpanaw ng supporter ni VP Leni
Rita Avila, inaming huling umiyak sa pagpanaw ng supporter ni VP Leni (Photo: Ogie Diaz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa naitanong sa kanya ni Ogie Diaz sa panayam sa kanya nito para sa kanyang YouTube channel.

Read also

Rita Avila, naikwentong langaw o paro-paro ang simbolo ng pagdalaw ng yumaong anak

Paliwanag ni Rita, labis siyang naantig sa mga nabitawang salita ni Nanay Gloria sa video kung saan natanong siya kung bakit nito pinili si Robredo bilang kanyang presidente.

"Na-touch ako sa sinabi niyang 'oo mababa ang pinag-aralan ko, pero nakakaunawa ako."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kasi marami ang hindi nakapag-aral nang maigi sa'tin. Marami ang marami ang tinuro, mali ang sulsol, ano nang nangyari sa kanila?"
"Tulad ni Nanay Gloria, wala man siyang pinag-aralan pero sinabi niya nakakaunawa siya, 'yun ang importante"

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Matatandaang si Nanay Gloria ang nakunan ng larawan at video na naluluha na habang nag-aabang sa pagdaan ng bise presidente na ngayo'y tumatakbo sa pagka-pangulo.

Kwento ni Nanay Gloria, maaga siyang gumising para makapuwesto ng maayos at makita si VP Leni.

Hiling niya talaga na manalo ito gayung babae ang nais niyang maging susunod na Pangulo ng Pilipinas.

Read also

Brenda Mage sa pagbabalik sa bahay ni Kuya: "Nung una hindi ko po gustong bumalik"

Dahil sa kanyang viral na video, natulungan siyang makalapit at mayakap ang kandidata sa campaign rally nito.

Kamakailan, kinumpirma ng Tarlac Youth for Leni ang pagpanaw ni Nanay Gloria. Sila na rin ang nakalikom ng halaga upang makuha ang labi nito at mabigyan ng maayos na burol.

Naglaan din ng oras si VP Leni Robredo na makadalaw sa burol ni Nanay Gloria sa Tarlac upang makiramay sa pamilyang naiwan nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel