VP Leni Robredo, dumalaw sa burol ng yumaong supporter na si Nanay Gloria

VP Leni Robredo, dumalaw sa burol ng yumaong supporter na si Nanay Gloria

- Bumisita si Vice President Leni Robredo sa burol ng kanyang yumaong supporter na si Nanay Gloria Beltran

- Matapos na mapabalitang sumakabilang buhay na ang supporter, hindi nagdalawang-isip ang bise presidente na sadyain ito sa Tarlac

-Labis-labis naman ang pasasalamat ng naiwang pamilya ni Nanay Gloria sa mga Kakampink na naging daan upang maiayos ang burol nito

- Sinasabing hindi na nakaboto pa si Nanay Gloria dahil nahirapan umano ito na huminga at kalauna'y binawian na ng buhay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bumisita si Vice President Leni Robredo sa burol ng 75-anyos niyang supporter na pumanaw kamakailan.

VP Leni Robredo, dumalaw sa burol ng yumaong supporter na si Nanay Gloria
VP Leni Robredo, dumalaw sa burol ng yumaong supporter na si Nanay Gloria (Photo from Tarlac Youth for Leni)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na talagang sumadya muli sa Tarlac si VP Leni upang makiramay sa naiwang pamilya ni Nanay Gloria Beltran.

Sa ulat ng ABS-CBN, sinasabing pinasalamatan ng manugang ni Nanay Gloria na si Catherine ang pagbisita ng bise presidente at alam daw nitong masayang-masaya ito saanman ito naroroon.

Read also

Kakampink celebrities, emosyonal na nakiisa sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem

Nabanggit ding hindi na nakaboto si Nanay Gloria gayung dinala na raw ito sa ospital dahil sa hirap na paghinga. Kalaunan, pumanaw na rin ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang si Nanay Gloria ang lola sa viral video na matiyagang nag-abang sa pagdaan ng motorcade ni VP Leni Robredo sa Gerona, Tarlac.

Nabigyan din siya ng pagkakataon sa entablado ng campaign rally ni VP Leni kung saan nakausap at nayakap niya ito.

"Oo mababa 'yung pinag-aralan ko pero nakakaintindi ako... Talagang siya (Leni) lang ang gusto ko," ang nasabi ni Nanay Gloria sa viral video na umantig sa puso ng maraming PIlipino.

Isa lamang si Nanay Gloria sa mga nagbigay testimonya ng kabutihang naidulot ni VP Leni bilang bahagi ng kandidatura nito sa katatapos lamang na eleksyon.

Mayo 9, 2022 nang ganapin ang National at Local Elections sa Pilipinas. Ilang oras matapos na isara ang botohan, mabilis na nakapag-transmit ng resulta ang mga Electoral Board members kung saan malaki agad umano ang naging lamang ni Bongbong Marcos sa mahigpit niyang katunggali na si Vice President Leni Robredo.

Read also

Lola sa viral video na nag-aabang kay VP Leni noong kampanya, pumanaw na

Agad ding nanguna sa mga senatoriables si Robin Padilla na sinundan naman nina Loren Legarda at Raffy Tulfo.

Samantala, nag-concede naman na sina Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao na pangatlo at pang-apat na pwesto sa bilang ng mga tumatakbong pangulo. Nagbigay pa ng mensahe si Pacquiao sa inaasahang magiging susunod na pangulo ng bansa na si Bongbong Marcos.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica