Angel Locsin, ibinahagi ang videoke night nila ni Neil Arce

Angel Locsin, ibinahagi ang videoke night nila ni Neil Arce

- Ibinahagi ni Angel Locsin ang video ng videoke night nila ng kanyang mister na si Neil Arce

- Kumakanta si Neil ng 'Heaven Knows' nang kunan ng video ni Angel

- Bago matapos ang video napansin ng netizens ang cute na reaksyon ni Angel na tila kinilig sa pagkanta ng mister

- Samantala, si Angel ang isa sa mga tahimik na nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Siargao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni Angel Locsin ang masayang videoke night nila ng kanyang mister na si Neil Arce.

Sa kanyang Instagram post, isang araw pagkatapos ng Pasko, makikitang game na game na kumanta si Neil ng awiting 'Heaven Knows.'

Angel Locsin, ibinahagi ang videoke night nila ni Neil Arce
Angel Locsin kasama ang kanyang hubby na si Neil Arce (Angel Locsin)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Herbert Bautista kasama sa Christmas celebration ng pamilyang Gutierrez

Saktong ang nakunan pa ng video ni Angel ay ang bahaging mataas na ang tono ng kanta na kinaya naman ng kanyang mister.

Bago matapos ang video, napansin ng netizens na tila kinilig naman si Angel sa pagkanta ng kanyang mister.

Narito pa ang ilan sa kanilang mga komento:

"Merry Christmas sa inyo, mukhang kinilig po si Mrs. Angel Arce ah!"
"Kilig yern? More videos pa po ng pagkanta mo sir Neil"
"Maligayang Pasko sa Lodi couple ko! Deserve niyo pong maging happy dahil napakabuti po ng puso niyo"
"Ay wow! he can sing pala Miss Angel kaya naman mukhang kinikilig po kayo, Happy Holidays!"
"So cute! Kakailig naman ng couple na ito. Merry Christmas po Mr and Mrs. Arce!"
"Ang saya pong makita na happy ang Christmas niyo! Merry Christmas po Angel ang Neil Arce"

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Read also

Ogie Diaz, todo puri kay Joshua Garcia: "Napakahusay niyang umarte"

Agosto 7 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa kabi-kabila niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng kagipitan sa buhay.

Katunayan, isa si Angel sa tahimik na tumulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette na tumama sa bansa noong Disyembre 16.

Sa post ni Kris Aquino, nabanggit nito na ipinaabot ni Angel ang donasyon niya na nagkakahalaga ng Php2 million kay Vice President Leni Robredo

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel