Herbert Bautista kasama sa Christmas celebration ng pamilyang Gutierrez

Herbert Bautista kasama sa Christmas celebration ng pamilyang Gutierrez

- Ibinahagi ni Ruffa Gutierrez ang isang video clip kung saan makikita ang Christmas celebration ng pamilyang Gutierrez

- Makikita ang ilan sa kanila na may hawak na regalo samantalang meron ding nagbubukas ng kanilang mga regalo

- Sa bandang huling bahagi ng video clip ay makikita si Herbert Bautista na katabi rin si Ruffa at Monching Gutierrez

- Marami naman ang kinilig na makita silang magkasama kasunod ng mga lumabas ng mga balita tungkol sa kanila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang ibinahaging Instagram post, binahagi ni Ruffa Gutierrez ang isang maiksing video clip. Kuha ito sa kanilang Christmas celebration at kabilang sina Sarah Lahbati at mga anak ni Ruffa sa naroroon sa kanyang binahaging video.

Herbert Bautista kasama sa Christmas celebration ng pamilyang Gutierrez
Ruffa Gutierrez (Photo from Suhaimi Abdullah / Stringe)
Source: Getty Images

Makikita ang ilan sa kanila na may hawak na regalo samantalang meron ding nagbubukas ng kanilang mga regalo. Sa bandang huling bahagi ng video clip ay makikita si Herbert Bautista na katabi rin si Ruffa at Monching Gutierrez.

Read also

Kapamilya hosts, naluha sa awitin ni Angeline Quinto para sa mga biktima ni 'Odette'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman ang kinilig na makita silang magkasama kasunod ng mga lumabas ng mga balita tungkol sa kanila:

Bagay kau ni mayor Herbert ate Ruffa.. Mabait Yan .sana kau na magka tuluyan for life… stay safe merry Christmas and happy new year Godbless you and your family
Napansin ko na dati dun sa series nyo ba yun with KathNiel? Nakakakilig kayo tingnan, bagay tlaaga kayo maging mr & mrs.
Merry Christmas Ms Ruffa and to your family. Gulat ako magkasama po kayo ni Sir Herbert ,naalala ko tuloy ,ang parents ni Q sa ang The House Arrest of Us , sana may Season 2 po

Matatandaang nagkasama sina Ruffa at Herbert sa serye ng ABS-CBN na House Arrest of Us kung saan nakasama nila sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Read also

Wilbert Tolentino, pinasalamatan ang mga vlogger friends na todo suporta kay Madam Inutz

Para naman sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama, magandang impluwensiya si Herbert kay Ruffa dahil ito umano ang nagsabi kay Ruffa na dapat tapusin niya ang college.

Si Ruffa Gutierrez ang panganay na anak nina Anabelle Rama at Eddie Gutierrez. Isa siyang dating beauty queen. Isa sa kanyang kapatid ay ang Kapamilya actor na si Richard Gutierrez na kinasal kamakailan kay Sarah Lahbati.

Kamakailan ay emosyonal na inihatid ni Ruffa ang anak niyang si Lorin Bektas sa isang university sa US.

Hindi rin niya napigilang mag-alala sa kalusugan ng kanyang amang si Eddie Gutierrez.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel