Florentino Gregorio sa pagkamatay ni Jonel Nuezca: "Hindi nga kami makapaniwala"
- Nakapanayam ni Raffy Tulfo ang mister ni Sonia at Frank Gregorio patungkol sa pagkamatay ni Jonel Nuezca
- Sinabi nitong maging sila ay hindi makapaniwala sa biglaang pagpanaw ng dating pulis na namaril sa kanyang misis at anak
- Maging ang mga kaanak ni Sonia ay hiling na makita mismo ang bangkay o labi ni Nuezca upang makumpirmang siya nga ang pumanaw
- Disymebre 1 nang kumpirmahin ng BuCor na pumanaw na si Jonel Nuezca noong Nobyembre 30 ng gabi na umano'y nahirapang huminga at nahilo kaya nagpadala ito sa NBP hospital
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isang araw matapos na maisa-publiko ang pagpanaw ni Jonel Nuezca, nakapanayam ni Raffy Tulfo si Florentino Gregorio, ang asawa ni Sonia at ama ni Frank Gregorio.
Nalaman ng KAMI na kinumusta ni Tulfo ang pamilya Gregorio dahil sa pagpanaw ni Nuezca na siyang nakapaslang umano sa kanyang mag-ina.
Aminado si Florentino na halos hindi sila makapaniwala sa biglaang pagpanaw ni Nuezca na noo'y nasa New Bilibid Prison.
Tulad ng mga netizens, hindi rin kumbinsido maging ang mga kaanak ni Sonia Gregorio sa pagpanaw ni Nuezca.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Yun lang po ang gusto ng mga kaanak ng misis ko na makita 'yung labi ni Nuezca," pahayag ni Florentino.
Pangamba rin ng pamilya gregorio ay baka i-cremate ang labi ni Nuezca gayung hindi naman COVID-19 ang ikinamatay nito.
Ayon naman punerarya na pinaglagakan sa bangkay ni Nuezca, kasalukuyan pa itong naka-freezer at pagbibigyan nilang makunang ng larawan o ma-video para makumpima rin ng pamilya Gregorio.
Narito ang kabuuan ng panayam sa unang bahagi ng Wanted sa Radyo ngayong Disyembre 2:
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga kilala at respetadong broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.6 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Maaalalang Disyembre 20 noong 2020 nang gumulantang sa social media ang nag-viral na video ng aktwal na pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa nakaalitang kapitbahay na sina Sonia at Frank Anthony Gregorio.
Isa si Raffy Tulfo sa mga tumututok sa kaso ni Jonel Nuezca upang masigurong makakamit ang pamilya Gregorio ang hustisya.
Source: KAMI.com.gh