Jonel Nuezca, posibleng cardiac arrest ang ikinamatay base sa initial findings

Jonel Nuezca, posibleng cardiac arrest ang ikinamatay base sa initial findings

- Nakapanayam ni Raffy Tulfo ang spokesperson ng Bureau of Corrections na si Gabriel Chaclag kaugnay sa pagpanaw ni Jonel Nuezca sa loob ng New Bilibid Prison

- Kinumpirma nito na noon pang Nobyembre 30 ito pumanaw subalit ipinaalam muna nila sa pamilya nito bago i-anunsyo sa publiko

- Sinabing base sa initial findings, posibleng cardiac arrest ang ikinamatay ni Nuezca subalit hinihintay pa rin nila ang full autopsy report sa labi nito

- Gayunpaman, hinihintay pa rin nila ang full autopsy report upang makumpirma ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maging si Raffy Tulfo ay isa sa mga tumutok sa pagpanaw ng dating pulis na umano'y namaril sa mag-inang Gregorio na si Jonel Nuezca.

Nalaman ng KAMI na nakapanayam ni Tulfo si Deputy General Director Gabriel Chaclag, spokesperson ng Bureau of Corrections, na siyang nagkumpirma sa pagkamatay ni Nuezca.

Read also

Angeline Quinto, limang buwan nang buntis ayon kay Ogie Diaz

Jonel Nuezca, posibleng cardiac arrest ang pagkamatay base sa initial findings
Jonel Nuezca (Photo from Peach Prosa)
Source: Facebook

"Katulad po ng ating naunang sinabi, siya po ay wala naman pong medical history, complaint niya o ini-register niya sa ating medical services," panimula ni Chaclag.

"Noong isang araw siya po ay nagkaroon ng shortness of breath at dizziness. At nag-request siya na madala sa ospital at sinamahan naman siya sa ospital habang naglalakad, doon po siya nag-collapse. At dinala po sa ospital, 'di na po siya na-revive. Ganoon po kasimple 'yung kwento doon," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinabi na posibleng cardiac arrest ang kanyang ikinamatay gayung walang anumang injury na nakita sa kanyang labi.

"Ang suspek po ng ating medical services professional ay cardiac arrest at dahil po malaki na nga siya, overweight, wala namang injuries o trauma or whatever signs of violence," ani Chaclag.

Read also

‘The Guy Behind the Black Face Mask’ KMJS episode, may 20 million views na

Gayunpaman, hinihintay pa rin nila ang full autopsy report upang makumpirma ito.

Narito ang kabuuan ng detalye mula sa Raffy Tulfo in Action:

Maaalalang Disyembre 20 noong 2020 nang gumulantang sa social media ang nag-viral na video ng aktwal na pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa nakaalitang kapitbahay na sina Sonia at Frank Anthony Gregorio.

Isa si Raffy Tulfo sa mga tumututok sa kaso ni Jonel Nuezca upang masigurong makakamit ang pamilya Gregorio ang hustisya.

Matatandaang nito lamang Agosto nang makapanayam ni Tulfo ang mister ni Sonia Gregorio na siyang nagbalitang nasintensyahan na umano si Nuezca.

Agosto 26, inilabas na ang sintensyang reclusion perpetua kay Nuezca o ang 40-taon na pagkakabilanggo na walang piyansa.

Labis ang kasiyahan ng pamilya Gregorio dahil nakamit nila agad ang hustisya sa pagkamatay ng dalawang mahal nila sa buhay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel