Sen. Bong Go, emosyonal sa kanyang speech: "Di po maiwasan may changes sa pulitika"

Sen. Bong Go, emosyonal sa kanyang speech: "Di po maiwasan may changes sa pulitika"

- Talagang naiyak si Senator Bong Go sa speech niya sa dinaluhang pagtitipon sa Antipolo ngayong araw, Nobyembre 9

- Nabanggit niya ang patungkol umano sa mga pagbabago partikular sa kandidatura niya bilang bise presidente

- Wala mang ibinigay na iba pang detalye ngunit ipinaalam niya sa publiko na malalaman ito sa mga susunod na araw

- Matatandaang noong Oktubre 4, naghain ng kanyang certificate of candidacy si Senator Bong Go sa pagtakbo bilang bise presidente ng bansa sa darating na Eleksyon 2022

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napaluha si Senator Bong Go sa kanyang naging talumpati ngayong araw, Nobyembre 9 sa Malasakit Center event sa Antipolo.

Nalaman ng KAMI na nanginginig ang boses ng senador habang inihahayag niya ang mga pagbabago umano sa kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente.

Sen. Bong Go, emosyonal sa kanyang speech: "Di po maiwasan may changes sa pulitika"
Senator Bong Go (@sapbonggo)
Source: Instagram

Sa video na ibinahagi ng ANC 24/7, makikitang nagtanggap pa ng salamin si Go habang pinupunasan niya ang kanyang mga luha habang nagsasalita.

Read also

Jennylyn Mercado, ikinuwentong dinugo noon sa set ng 'Love, Die, Repeat'

Narito ang bahagi ng kanyang naging pahayag.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ito kandidatura ko bilang bise presidente ay maaring magbago,"
"Hindi ho maiwasan may mga changes po sa pulitika sabi ko nga, napaka- napakabilis,"
"Dito ka na nga gusto magsilbi sa kapwa mo Pilipino e meron pong mga pagbabagong wala naman po akong magagawa. Ito ang problema sa substitution dito sa pulitika. Maaring may mga pagbabago sa mga tatakbuhang posisyon sa m ga darating na araw,"
"Ang problema po diyan, kailangan kong umiwas. Gustuhin ko mang magsilbi sa inyo bilang Bise Presidente dahil sa kagustuhan ng ating mna Pangulo, kailangan ko pong umiwas,"
"Malalaman niyo po 'yan sa darating na mga araw."

Ngayong araw, inihayag din ni Mayor Sara Duterte ang pagbawi niya ng kandidatura sa muling pagtakbo bilang alkalde ng Davao City.

Read also

Sara Duterte, pinasalamatan ang supporters ilang oras bago manumpa sa Lakas-CMD

Kasabay din halos nito ang pag-atras ni Sebastian "Baste" Duterte sa pagtakbo naman sana nito bilang bise alkalde ng nasabing lungsod. Ayon pa kay Mayor Sara, si Baste umano ang papalit sa kanya sa pagtakbo bilang alkalde ng Davao City.

Si Christopher Lawrence Tesoro Go, na mas kilala bilang si Bong Go ay isa sa mga kasalukuyang senador sa bansa. Siya ang naging Special Assistant to the President (SAP) nang tumakbo ang Pangulong Duterte sa 2016 Elections at si Go rin ang naging Head of the Presidential Management Staff hanggang October of 2018.

Sinasabing si Go ang nangunguna umano sa survey sa kung sino ang napupusuan ng publiko na maging bise presidente ng bansa. Isa siya sa mga maagang nag-file ng kanilang kandidatura isang buwan na ang nakararaan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica