Sara Duterte, nag-withdraw ng kandidatura bilang Mayor ng Davao City; Baste, papalit

Sara Duterte, nag-withdraw ng kandidatura bilang Mayor ng Davao City; Baste, papalit

- Nag-withdraw na ng kanyang kandidatura is Mayor Sara Duterte bilang re-electionist sa muling pagka-alkalde ng Davao City

- Ngayong hapon ng Nobyembre 9, ibinahagi na rin niya sa kanyang social media ang naging desisyon

- Ipinaalam na rin niya na ang kanyang kapatid na si Sebastian Duterte ang papalit sa kanya sa pagtakbo bilang Mayor ng kanilang lungsod

- Matatandaang nito lamang Oktubre nang pormal na naghain si Sara ng kanyang muling pagtakbo bilang mayor ng Davao City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binawi na ni Mayor Sara Duterte ang muling pagtakbo niya sana bilang alkalde ng Davao City sa darating na 2022 Elections.

Nalaman ng KAMI na ngayong hapon ng Nobyembre 9, pormal na inihayag ni Mayor Sara ang pagwi-withdraw niya sa nasabing kandidatura.

Sara Duterte, nag-withdraw ng kandidatura bilang Mayor ng Davao City; Baste, papalit
Sara Duterte (Photo from Mayor Inday Sara Duterte)
Source: Instagram

Sa kanyang Official Facebook page, kanya ring inihayag na ang bunsong kapatid na si Sebastian Duterte ang papalit sa kanyang iniwang posisyon na balak sanang takbuhan.

Read also

Video ni Mayor Sara Duterte na umiiyak kasama ang empleyado ng kanilang city hall, viral

Naganap ito matapos na ihayag din ng kanyang kapatid na si Baste ang pag-withdraw din nito sa kanyang kandidatura bilang bise alkalde ng Lungsod ng Davao.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito raw umano ay dahil siya ang kapalit ng kapatid sa pagtakbo bilang alkalde ng nasabing lungsod sa Election 2022.

Matatandaang isang buwan pa lamang ang nakalilipas nang pormal na naghain ng kanyang certificate of candidacy si Mayor Sara sa muling pagtakbo niya bilang Alkalde ng Davao City.

Taliwas ito sa inaasahan ng marami, hindi tumakbo sa pagka-pangulo si Mayor Sara.

Wala pang ibang detalyeng ibinigay ang kasalukuyang mayor ng Davao city patungkol sa pagbabago ng kanyang desisyon.

Si Sara Duterte ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang naunang ulat ng KAMI ay ipinahayag ni Pangulong Duterte na hindi niya gusto tumakbo sa pagka-pangulo ang anak dahil sa hindi raw pambabae ang posisyon na ito.

Read also

Sen. Bong Go, emosyonal sa kanyang speech: "Di po maiwasan may changes sa pulitika"

Matatandaang mariin ding itinanggi mismo ito ni "Inday Sara" umano'y pagtakbo niya sa nasabing posisyon sa kabila ng pag-uudyok sa kanya ng kanyang mga taga-suporta.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica