Sara Duterte, tatakbong Pangulo sa 2022 election ayon kay Rep. Joey Salceda

Sara Duterte, tatakbong Pangulo sa 2022 election ayon kay Rep. Joey Salceda

- Sinabi ni Albay Second District Rep. Jose Ma. Clemente "Joey" Salceda ang pagtakbo umano ni Mayor Sara Duterte bilang presidente sa 2022 elections

- Bagaman at hindi pa ito kinukumpirma mismo ni "Inday Sara," sigurado umano si Salceda sa pagtakbo nito

- Ayon din kay Salceda, maasahan ni Sara ang kanyang suporta sa pagtakbo nito sa nasabing posisyon

- Matatandaang Pebrero lamang ng kasalukuyang taon nang mariing itinanggi ni Sara ang ang maugong na balitang tatakbo umano siya sa pagiging Pangulo ng bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tahasang sinabi ni Albay Second District Rep. Jose Ma. Clemente "Joey" Salceda ang umano'y desisyon ni Mayor Sara Duterte na tatakbo bilang Presidente ng Pilipinas sa Eleksyon 2022.

Nalaman ng KAMI na nabanggit ng naturang kongresista ang umano'y ilang palitan nila ng text ni "Inday Sara" kung saan masasabi niyang desidido ito sa pagtakbo sa mataas na posisyon.

Read also

10-anyos na Pinoy, pinabilib ang judges sa America's Got Talent 2021

“In our exchange of texts with Mayor Inday Sara, she left no doubt that she has crossed the Rubicon, it is 100 percent certain that she is running in 2022,” pahayag ni Salceda sa mga reporters na naibahagi ng Tribune.

Mayor Sarah Duterte, tatakbong presidente sa 2022 election ayon kay Rep. Joey Salceda
Photo: Mayor Sara Duterte (@indaysaraduterte)
Source: Instagram

“She did not have to agonize over it because she knows she is capable. She is both tough and right. If ever she needs help, she can count on my friendship and loyal advice,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa The Manila Times, kilalang kaalyado ni Sara si Salceda na nangakong susuporta sa kanya lalo na sa sinasabi nitong pagtakbo bilang Pangulo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Naniniwala rin umano siya sa kapasidad ni "Inday Sara" na nilarawan niya bilang "very studious official, possessed of sharp wit and capable of grasping the complexities of the economy."

Read also

Rabiya Mateo, inaming komplikado ngayon ang lagay ng relasyon nila ng boyfriend

Samantala, maugong na rin umano ang isinasagawang survey ng ilang volunteers na nangangalap ng pirma kung nais ba ng taumbayan na tumakbo ni Sara Duterte bilang susunod na Pangulo ng bansa.

Ayon sa ABS-CBN News, isang Alkalde sa Bulacan ang nagkumpirma ng gawain ito kung saan 17 million signatures umano ang kinakailangan ng mga volunteers.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Sara Duterte ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang naunang ulat ng KAMI ay ipinahayag ni Pangulong Duterte na hindi niya gusto tumakbo sa pagka-pangulo ang anak dahil sa hindi raw pambabae ang posisyon na ito.

Matatandaang mariin ding itinanggi mismo ito ni "Inday Sara" umano'y pagtakbo niya sa nasabing posisyon sa kabila ng pag-uudyok sa kanya ng kanyang mga taga-suporta.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica