Sara Duterte, kakandidato muli bilang mayor ng Davao City
- Muling tatakbo sa pagka-alkalde ng Davao city si Mayor Sara Duterte
- Nahain ang alkade ng kanyang certificate of candidacy sa Comelec ng Davao City ngayong Oktubre 2 ng hapon
- Ibinahagi niya ang mga larawan ng kaganapan sa kanyang paghahain ng kandidatura sa kanya mismong Facebook page
- Taliwas sa inaasahan ng marami, hindi tumakbo ng pagka-presidente o maging bise presidente si ang kasalukuyang alkalde ng lungsod ng Davao
- Ngayong araw, inihayag din ni Pangulong Duterte ang pagreretiro niya sa pulitiko bilang pagdinig umano sa hiling ng nakararami
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naghain na ng certificate of candidacy (COC) si Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang pagtakbo muli bilang alkalde ng Davao City.
Nalaman ng KAMI na sa ganap na 4:15pm ng Oktubre 2 ay nagtungo ang kasalukuyang alkalde ng Davao city upang pormal na magsumite ng kanyang COC sa Comelecng kanilang lugar.
Sakalang palarin muli, iyon na ang magiging ikatlong termino ni Mayor Sara sa kasalukuyan niyang posisyon.
Sa kanyang Facebook page, nagpahayag siya ng pasasalamat sa lahat ng sumusuporta at naniniwala sa kanya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"I have been honored with the gift of trust and respect of many of our fellow Filipinos."
"Thank you to everyone who have expressed their support. Many of you do not know me and yet you carry me over your shoulders. "
"Like the other millions of Filipinos, I share with you the same goal of living a peaceful and prosperous life in our country, today and in the many years to come."
Taliwas kasi sa inaasahan ng marami, hindi tumakbo sa pagka-pangulo si Mayor Sara.
Samantala, ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte naman ay nagpahayag ng pagreretiro niya sa pulitiko bilang pagtugon umano sa hiling ng nakararami.
Si Sara Duterte ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang naunang ulat ng KAMI ay ipinahayag ni Pangulong Duterte na hindi niya gusto tumakbo sa pagka-pangulo ang anak dahil sa hindi raw pambabae ang posisyon na ito.
Matatandaang mariin ding itinanggi mismo ito ni "Inday Sara" umano'y pagtakbo niya sa nasabing posisyon sa kabila ng pag-uudyok sa kanya ng kanyang mga taga-suporta.
Source: KAMI.com.gh