Annabelle Rama, na-imbyerna umano kay Vice Ganda dahil sa "Pacquiao University" joke

Annabelle Rama, na-imbyerna umano kay Vice Ganda dahil sa "Pacquiao University" joke

- Galit na galit daw si Annabelle Rama sa "Pacquiao joke" na ginamit ni Vice Ganda sa kanyang show

- Wala man si Annebelle sa mismong show, marami naman ang nagparating sa kanya kaugnay sa biro na nagamit ng komedyante tungkol sa 'boxing senator'

- Matatandaang presidential bet ni Annabelle si Manny Pacquiao at malapit ang pamilya nito sa kanya

- Hindi raw nararapat na gawing biro si Manny lalo na sa mga narating na nito sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagalit daw umano si Annabelle Rama kay Vice Ganda dahil sa joke na nagamit nito sa isa niyang show patungkol kay Senator Manny Pacquiao.

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mainit na isyung tinalakay sa Ogie Diaz Showbiz Update ngayong Oktubre 29.

Annabelle Rama, na-imbyerna umano kay Vice Ganda dahil sa "Pacquiao University" joke
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ayon kina Ogie at Mama Loi, nakarating umano kay Annabelle ang "Pacquiao University" joke ni Vice na hindi nito nagustuhan.

Read also

Ogie Diaz sa kontrobersyal na ginawa ni Brenda Mage sa PBB: "Sana 'Wag siyang ma-evict"

"Si Annabelle ang na-offend for Manny Pacquiao, oo. Sabi naman ni Tita Annabelle e baka hindi raw nalalaman ni Vice Ganda na si Manny Pacquiao ay anim na taong naging congressman. Siyam na taong naging senador, at 26 years sa boxing, at milyonaryo .Siya raw ang makakapag-save ng buong Pilipinas sabi ni Tita Annabelle so bakit ginaganon daw ni Vice,sa stage. Nakakaloka!" pahayag ni Ogie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi naman po sa pinagtatanggol namin si Vice Ganda rito pero matagal na po iyong joke sa mga comedy bars," dagdag pa ni Vice.

"Ah, yung Pacquiao University na shinort cut," ayon naman kay mama Loi.

Pakiusap daw kasi ni Annabelle na huwag sanang siraan ang kanyang Presidential candidate at nabanggit pa nitong mataas daw sa survey si Pacquiao.

Read also

Gerald Anderson sa co-star na si Gigi De Lana: "Ako ang coach mo"

Dahil dito, nagbigay komento si Ogie Diaz at ipinaliwanag kay Annabelle na matagal na umanong joke ang tungkol kay Manny.

"Matagal nang joke 'yun tita Annabelle. Hindi naman dahil pinagtatawanan si Manny Pacquiao, kundi naglalaro lamang sila doon sa pangalan. Although syempre sa iba, pangit 'yun na bakit mo paglalaruan 'yung pangalan ng isang tao."

Narito ang kabuaan ng video mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Makailang beses na ring napag-usapan sa kanyang showbiz update ang umano'y isyu tungkol sa hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Naniniwala umano si Ogie na hindi na magtatagal pa ang isyu ng dalawa at maaring mamagitan na rito ang ama ni Kylie na si Robin Padilla.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel