Ganiel Krishnan, nag-resign bilang Miss World PH 2021 2nd Princess

Ganiel Krishnan, nag-resign bilang Miss World PH 2021 2nd Princess

- Bumitiw na sa dating Star Patroller Ganiel Krishnan bilang Miss World PH 2021 2nd Princess

- Kasunod ito ng kanyang paglabas ng sama ng loob sa insensitibong pahayag ng isang designer sa kanya

- Nilinaw din niyang nais niyang magbalik sa kanyang propesyon bilang reporter at naniniwala siyang hindi kayang pagsabayin ang dalawa

- Marami naman ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta at pagbati sa beauty queen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi man niya nakuha ang korona sbilang Miss World PH 2021, malaki ang pasasalamat ni Ganiel Krishnan sa pamunuan ng nasabing pageant at ng mga taong nag-alaga sa kanila. Gayunpaman, isinapubliko niya ang kanyang pagresign bilang Miss World PH 2021 2nd Princess.

Ganiel Krishnan, nag-resign bilang Miss World PH 2021 2nd Princess
Photo from Ganiel Krishnan (@ganielkrish)
Source: Instagram

Kasunod ito ng kanyang paglabas ng sama ng loob sa insensitibong pahayag ng isang designer sa kanya.

I regret to inform you of my decision to relinquish my Miss World Philippines Second Princess 2021 title and consequently resign from the Miss World Organization effective immediately.

Read also

Mga kaibigan ni Ethel Booba, asar-talo sa kanyang revenge prank

Nilinaw din niyang nais niyang magbalik sa kanyang propesyon bilang reporter at naniniwala siyang hindi kayang pagsabayin ang dalawa. Marami naman ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta at pagbati sa beauty queen.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

As you very well know, I have a thriving career as a lifestyle and entertainment news reporter in ABS-CBN before I entered the competition and have never kept my intentions to go back to it a secret, regardless of the outcome of the pageant.

Nagpahiwatig na rin ito na ang Miss World Philippines ang kanyang huling pagsabak sa mundo ng beauty pageant. Gayunpaman, abot-abot ang kanyang pasasalamat sa kanyang pagsali na ayon sa kanya ay isang malaking learning experience.

Si Ganiel Krishnan ay naging kinatawan ng bansa sa 2016 Miss Asia Pacific International pageant kung saan nanalo siya bilang 2nd runner-up. Nakilala siya bilang Star Patroller sa ABS-CBN News program na TV Patrol.

Read also

Alwyn Uytingco, pinasalamatan si Jennica Garcia hindi umano ito nag-give up sa kanya

Ilan sa mga artistang naging guest Star Patroller ay sina Yen Santos at Cristine Reyes.

Matatandaang marami ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Ganiel nang isapubliko nito ang tungkol sa kanyang pagsali sa Miss World Philippines 2021.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel