Alwyn Uytingco, pinasalamatan si Jennica Garcia hindi umano ito nag-give up sa kanya

Alwyn Uytingco, pinasalamatan si Jennica Garcia hindi umano ito nag-give up sa kanya

- Kasunod ng pahayag ni Jennica Garcia tungkol sa posibilidad na magkabalikan sila ng asawang si Alwyn Uytingco, naglabas ng kanyang mensahe si Alwyn

- Pinasalamatan niya ang asawa sa pagbibigay nito ng pangalawang pagkakataon sa kanya kahit aniya ay hindi niya ito deserve

- Nabanggit niya rin ang kanyang pasasalamat sa hindi pagsuko ni Jennica sa kanya sa kabila ng kanyang pagkakamali

- Ani Alwyn, kahit hindi naging maganda ang kanilang nakaraan ay hindi nangangahulugang ganoon din ang kanilang future

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang Facebook post, inilabas ni Alwyn Uytingco ang kanyang saloobin kasunod ng pahayag ni Jennica Garcia kaugnay sa posibilidad ng pagbabalikan nilang mag-asawa. Pinasalamatan ni Alwyn ang asawa dahil hindi siya nito sinukuan sa kabila ng kanyang pagkakamali.

Alwyn Uytingco, pinasalamatan si Jennica Garcia hindi umano ito nag-give up sa kanya
Alwyn Uytingco (@alwynzky)
Source: Instagram

Pinasalamatan din ng aktor ang kabiyak sa pagbigay nito sa kanya ng pangalawang pagkakataon na maging bahagi ng kanilang buhay.

Read also

Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge

Aniya, “Just because the past is painful doesn’t mean the future will be.”

Marami sa kanilang mga tagasuporta ang natuwa sa kanilang mag-asawa:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Good news! Answered prayer! God bless your marriage and your family!
I'm so happy for you and your family kapatid. Indeed this is an answered prayer. God bless you and your beautiful family .
I'm so happy for you and your family. God bless always. Indeed, this is an answered prayer. A ray of sunshine in this difficult time. God bless you always

Si Alwyn Uytingco ay nagsimulang makilala sa mundo ng showbiz matapos maging bahagi ng "Ang TV." Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Ang Tanging Ina kung saan gumanap siya bilang si Pip at ang 2018 film na Asuang kung saan ginawaran siya ng Best Acting Award sa Cinema One Originals 2018 International Film Festival.

Read also

LJ Reyes, diretsahang sinabing hindi madali para sa kanyang patawarin si Paolo Contis

Kamakailan nga ay naging usap-usapan ang balitang hiwalay na sila ng kanyang asawang si Jennica Garcia. Isang makahulugang mensahe ang kanyang binahagi kasunod ng pag-viral ng video kung saan umiiyak si Jennica.

Sa isang panayam ay kinumpirma ni Jennica ang tungkol sa kanilang pinagdadaanan ni Alwyn. Gayunpaman, nilinaw niyang hindi totoo ang isyu na dahil umano sa kakulangan sa sustento kaya sila naghiwalay. Pinagtanggol niya rin si Alwyn sa mga bashers.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel