RR Enriquez, umalma sa pagkukumpara kay Denise Laurel at kay Sandra Lemonon

RR Enriquez, umalma sa pagkukumpara kay Denise Laurel at kay Sandra Lemonon

- Bilang isa sa mga taong nakasama sa mga trips nina Sol Mercado, hindi napigilang hingan ng kanyang opinyon si RR Enriquez sa bagong pag-ibig ng basketbolista

- Ayon kay RR, hindi dapat pinagkukumpara sina Denise Laurel at Sandra Lemonon na yung past at present girlfriend ni Sol

- Aniya, dapat ay suportahan at tanggapin na lamang ang bagong pag-ibig ng basketbolista lalo at hindi naman umano galing sa agaw ang kanilang relasyon

- Ang kasalukuyang kasintahan ni Sol na si Sandra ay naging kalahok sa Miss Universe Philippines 2020 kung saan siya ang kumatawan sa lungsod ng Taguig

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Diretsahang inilabas ni RR Enriquez ang kanyang saloobin kaugnay sa pagkukumpara sa kasalukuyang kasintahan ni Sol Mercado na si Sandra Lemonon sa ex-girlfriend nitong si Denise Laurel.

RR Enriquez, umalma sa pagkukumpara kay Denise Laurel at kay Sandra Lemonon
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Aniya, hindi dapat kinukumpara ang dalawa dahil iba-iba umano ang relationship. Aniya, dapat ay respituhin na lang ang bagong relasyon ni Sol.

Read also

LJ Reyes, diretsahang sinabing hindi madali para sa kanyang patawarin si Paolo Contis

So please stop comparing!!!! Respect their new found love…. Especially if yung relationship nila is hindi galing sa “AGAW”

Nilinaw niya rin na mga kaibigan niya ang mga ito at mahal niya silang parehas. Dapat lang umano ay maging bukas at tanggapin ang kanilang kasalukuyang relasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

They’re my friends and i love them in different ways.. Walang better better… Acceptance and respect ang kailangan…

Si RR Enriquez ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014.Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Read also

RR Enriquez, ibinida ang natural na kagandahan ni Pau Fajardo na aniya'y ikinamangha niya

Bilang isang dating Kapamilya artist, nagbahagi siya ng kanyang pakikisimpatya sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Kasalukuyan niyang karelasyon ang sikat na basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng koponang Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapundar na rin sila ng kanilang bahay.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel