Bardagulan nina Kiray Celis at Senyora, kinaaliwan ng netizens

Bardagulan nina Kiray Celis at Senyora, kinaaliwan ng netizens

- Marami ang naaliw sa biruan nina Kiray Celis at ng social media personality na si Senyora

- Matapos i-post ni Kiray ang pagpapatattoo ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia ng mga mata ni Kiray, sinagot ito ni Senyora

- Kinantiyawan nito si Kiray na first time nito ma-experience na ipa-tattoo ng kanyang boyfriend

- Maging ang mga netizens ay nakisabat at nakisali sa bardagulan ng dalawa sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinaaliwan ng netizens ang biruan ng social media personality na si Senyora at ng aktres na si Kiray Celis. Nagsimula ang kanilang bardagulan nang i-post ni Kiray ang ilang pictures ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia na ipinatattoo ang mga mata ni Kiray.

Bardagulan nina Kiray Celis at Senyora, kinaaliwan ng netizens
Kiray Celis (@kiraycelis)
Source: Instagram

Sa kanyang post ay ipinagmalaki ni Kiray ang kanyang boyfriend.

In a scale of 1 to 10, Gaano ka kamahal ng jowa mo?! Ngayon sabihin niyong hindi ako maganda! Ngayon niyo ko labanan! Eme! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Read also

Showdown sa biritan nina Madam Inutz at Ethel Booba, umani ng samu't-saring reaksiyon

Sinagot naman ito ni Senyora at kinantiyawan nito si Kiray na first time nito ma-experience na ipa-tattoo ng kanyang boyfriend.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

First time mo lang maexperience Kiray??

Maging ang mga netizens ay nakisabat at nakisali sa bardagulan ng dalawa sa social media.

Ang aktres at komeyanteng si Kiray Celis o si Johanna Ismael Celis sa totoong buhay ay sumikat sa industriya ng showbiz nang manalo siya patimpalak na Muntíng Miss U sa noontime show na MTB. Siya ay na-discover sa edad na 4 na taon. Naging isa din siya sa original cast ng Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Matatandaang sa isa sa pinakabagong vlog ni Kiray ay pinakita niya ang pagpapatattoo ng kanyang boyfriend. Kinakiligan ito ng mga netizens at marami sa mga ito ang napa-"sana all."

Read also

Toni Fowler at bagong karelasyon ni Rob Moya, nagkita sa unang pagkakataon

Kamakailan ay minabuti din ni Kiray na linawin ang mga isyu kaugnay sa mga pictures niya kasama ang modelong si Kirst Viray na dati na ring naiugnay sa kanya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng ating kalayaan sa pagpapahayag ng ating saloobin at opinyon ay ang pananagutan sa batas lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin ang maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng sariling opinyon at paniniwala.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel