Guro na nagbigay ng laptop sa dating estudyante, marami pa ang natulungan

Guro na nagbigay ng laptop sa dating estudyante, marami pa ang natulungan

- Hindi lamang pala isa kundi marami nang natutulungang estudyante ang guro na si Melanie Reyes Figueroa

- Una niyang natulungan ang dati niyang estudyante sa high school na si Chrisken Simule

- At dahil marami ang tumugon sa programa niyang "Laptop para sa pangarap," apat na estudyante pa ang nabigyan niya ng magagamit ng mga ito sa online class

- Labis ang pasasalamat ng mga estudyanteng kanyang natulungan dahil ang tulong na naibigay ni Teacher Melanie ay para sa magandang kinabukasan ng mga mag-aaral na ito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hinangaan na kamakailan ang guro na si Teacher Melanie Reyes Figueroa ng Hinaplanon National High School dahil sa paghahanap niya ng paraan na matulungan ang dati niyang estudyante na si Chrisken Sinule.

Matatandaang nakunan pa niya ang emosyonal na eksena ni Chrisken nang isurpresa siya ng dating guro ng laptop na magagamit niya ngayong isa na siyang Metallurgical Engineering student sa kolehiyo.

Read also

Vlogger na si Virgelyn, nagdiwang ng kaarawan sa Aeta community

Guro na nagbigay ng laptop sa dating estudyante, marami pa ang natulungan
Si Teacher Melanie at isa sa mga estudyanteng mapalad na nabiyayaan niya ng laptop (Melanie Figueroa)
Source: Facebook

Kwento ni Chrisken, isa ang pamilya nila sa labis na naapektuhan ng pandemya dahil parehong nawalan ng hanapbuhay ang kanyang mga magulang.

Nang malaman ni Teacher Melanie ang kalagayan ni Chrisken, bumuo ito ng programang 'Laptop para sa Pangarap.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang tumugon sa programang ito ng guro na mga dati rin niyang estudyante na nagtulong-tulong para makabili ng laptop para kay Chrisken.

Subalit sumobra ang nalikom na halaga ng guro na umabot pa sa mahigit Php100,000.

Kaya naman apat pang masuswerteng mag-aaral ang nabigyan niya ng laptop sa tulong ng programang kanyang binuo.

Ilan sa mga nabigyan ay isang anak ng karpintero, isang self-supporting na estudyante at isang anak ng single parent.

Labis-labis ang pasasalamat nila sa hindi inaasahang tulong na naibigay sa kanila ng napakabuti nilang guro noong high school na si Teacher Melanie.

Read also

Street food vendor na kasa-kasama ang anak sa paglalako, natulungan ni Raffy Tulfo

Ang kabuuan ng kanilang kwento ay mapapanood sa Kapuso Mo, Jessica Soho na naibahagi rin ng Unifast Official:

Tulad ni Chrisken, tunay na kahanga-hanga ang mga mag-aaral na sa kabila ng mga pagsubok ng online class, nagagawan pa rin nila ng paraan upang maipagpatuloy ang edukasyon.

Ang ilan, tuloy pa rin ang pagiging working student makatulong lamang sa pamilyang lalong naghikahos dahil sa pandemya. Dumidiskarte rin ang iba ng pagdalo ng klase online kahit breaktime lamang nila.

Isa na rito ang nag-viral na delivery rider na nagagawa ang regular na trabaho habang siya ay nasa kolehiyo. Umani siya ng papuri dahil kahit nagtapos na sa pag-aaral, 'di muna siya basta bumitiw sa trabaho habang naghihintay pa ng iba pang oportunidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica