Madam Kilay, napagsabihan dahil sa lakas ng kanyang music sa kalye kanta-serye

Madam Kilay, napagsabihan dahil sa lakas ng kanyang music sa kalye kanta-serye

- Dahil marami ang naaliw at nag-request ng kalye kanta-serye ni Madam Kilay, muli niyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel ang panibagong video

- Bukod sa kanyang pagkanta ay marami ding napasaya si Madam Kilay dahil nagbahagi siya ng kanyang biyaya

- Ilan sa mga crew sa kanyang napuntahang drive thru ay kanyang binigyan ng tip

- Mayroon ding binayaran niya ang order ng taong sumusunod sa kanya sa drive thru

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang panibagong video, muli isang kalye kanta-serye ang ginawa ni Madam Kilay ngunit sa drive thru naman siya nagpakitang gilas sa pagkanta.

Habang nakapila ay isang babae ang lumapit sa kanya at nakiusap na hinaan niya ang kanyang tugtog. Tumalima naman si Madam Kilay ngunit tuloy pa rin siya sa pagkanta.

Madam Kilay, napagsabihan dahil sa lakas ng kanyang music sa kalye kanta-serye
Madam Kilay (@madamkilay)
Source: Instagram

Bukod sa mga taong nanuod sa kanya, galak na galak din ang mga nabigyan niya ng tip. Sa kanyang pag-order sa drive-thru tila hindi pa makapaniwala ang isang crew nang abutan niya ito ng pera.

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

Binayaran niya rin ang order ng taong sumunod sa kanya sa pila sa drive thru.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, marami sa kanyang mga viewers ang aliw na aliw at natuwa kay Madam Kilay. Sa katunayan marami sa kanila ang humiling na gumawa pa si Madam Kilay ng mga kalye kanta-serye. Ito ang ikatlong kanta-serye video ng vlogger.

Unang nakilala si Madam Kilay dahil sa kanyang nakakatuwang Facebook Video kung saan iba-iba ang hugis ng kanyang kilay kaya siya tinawag bilang Madam Kilay. Si Jinky Anderson sa totoong buhay ay minsan na ring napanood sa telebisyon nang mapasali siya sa "Eat Bulaga" at iba pang TV shows.

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael.

Read also

Rich Asuncion, masayang isinapubliko ang kanyang pagdadalang-tao

Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Kagaya ng laging paalala namin dito sa KAMI, ugaliing maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging isaisip na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng opinyon ay ang pananagutan sa bawat salitang maaring makakasira sa imahe ng ibang tao.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel