Daddy Bonoy, binati si Toni Gonzaga na aniya ay kanilang number 1 basher
- Sa kanilang bagong video na kanilang ibinahagi sa kanilang YouTube channel, nabanggit ni Daddy Bonoy ang kanyang shoutout sa kanilang panganay na si Toni Gonzaga
- Ayaw umano nito na mag-vlog ang kanyang mga magulang at ito umano ang kanilang number 1 basher
- Naibahagi naman ni Daddy Bonoy na ang susunod nilang video ay ipapakita nila ang magiging reaksiyon ng kanilang panganay sa kanilang pang-aasar
- Sa huling bahagi ng video ay makikita ang bahagi ng kanilang sunod na video kung saan kasama na si Toni
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kanyang shoutout sa bagong video, binanggit ni Daddy Bonoy ang panganay na anak nila na si Celestine o mas kilala ng publiko bilang si Toni Gonzaga.
Ayaw umano nito na mag-vlog ang kanyang mga magulang at ito umano ang kanilang number 1 basher.
Samantala, para sa susunod na vlog nila ni Mommy Pinty na pinamagatang "Annoying our Eldest Daughter" ipapakita nila ang reaksiyon ni Toni Gonzaga sa kanilang pang-aasar.
Sa huling bahagi ng kanilang binahaging video ay pinasilip nila ang kanilang susunod na episode kung saan kasama nga si Toni na tila hindi pa komportable sa pag-vlog ng kanyang mga magulang.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty ay mas sumikat nang magkaroon ng YouTube channel ang anak nilang si Alex Gonzaga na siyang nagtulak at nagkumbinsi sa kanila na pasukin na rin ang vlogging.
Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 11 million na subscribers sa kasalukuyan.
Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono.
Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbigay ni Alex ng isang motorsiklo sa isang 12-anyos na bata na isang Valedictorian.
Kagaya ng laging paalala namin dito sa KAMI, kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging tandaan at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh