Ogie Diaz sa kung paano hinarap ng mga anak ang kanyang kasarian; "Hinanapan ko ng paraan"

Ogie Diaz sa kung paano hinarap ng mga anak ang kanyang kasarian; "Hinanapan ko ng paraan"

- Matapang na ibinahagi ni Ogie a Diaz kung paano hinarap ng mga anak niya ang tungkol sa kanyang kasarian

- Bago pa manlang daw isilang ang mga ito, naispan na niya ito at napaghandaan

- Sa murang edad, naharap ang mga anak sa hindi naiwasang pangungutya sa mga taong nakapaligid sa kanila

- Gayunpaman, maayos itong naipaliwanag ni Ogie ang sitwasyon at pinaalalahanan ang mga anak na kailanma'y huwag madadawit sa anumang gulo at agad na umiwas na lamang

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa interview ni Mama Loi para sa ika-34 na anibersaryo sa showbiz ni Ogie Diaz, isa sa mga matapang nilang natalakay ang kung paano hinarap ng pamilya ni Ogie lalo na ng kanyang mga anak ang tungkol sa kanyang kasarian.

Nalaman ng KAMI na sa murang edad pa lamang ng kanyang mga anak ay hindi na naiwasang magkaroon ng pangungutya lalo na sa mga taong nakapaligid sa mga ito sa eskwelahan.

Read also

Mura, hindi makapaniwala sa pagpanaw ni Mahal; "Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam"

Ogie Diaz sa kung paano hinarap ng mga anak ang kanyang kasarian; "Hinanapan ko ng paraan"
Ogie Diaz sa kung paano hinarap ng mga anak ang kanyang kasarian; "Hinanapan ko ng paraan" (Photo: Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Facebook

"Bago pa man sila isilang, naisip ko na rin yan ...Alam mo naman ako futuristic," bungad ni Ogie.

Naikwento ni Ogie ang tungkol sa nakakita umano ng larawan nila ng anak niyang si Erin at Godhieweag n sa father's day celebration sa school.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Doon unang nasabihan umano ang kanyang mga anak na 'bakla' ang kanilang daddy.

Sa pangyayaring ito, agad nang naipaliwanag ni Ogie ang katotohanan sa mga anak at mula noon ay wala na halos naging problema sa mga taong nakakasalamuha ng mga ito.

"'Pag may nagsabi na daddy niyo bakla, wag na kayong magre-react kasi 'yun naman talaga ang totoo anak."

Alam naman daw iyon ng kanyang mga anak at sinabihan na rin niya ang mga ito na huwag na huwag sasabihin na siya ang ama ng mga ito hangga't hindi raw ito tinatanong.

Read also

OFW mula sa Japan, nagpanggap na delivery rider para isurpresa ang ina

"Kasi ayaw ko ng mayabang kayo," paliwanag ni Ogie.

Kaya naman nang minsang bumisita ang mga kaklase ng kanyang panganay, laking gulat daw ng mga ito nang siya ay makita.

Dagdag pa ni Ogie, dahil sa paalala na iyon sa mga anak, hindi raw naging issue sa mga ito kung ano ang kanyang kasarian.

"'Yung iba, sumasama ang loob... Sabi ko sa sarili ko, saka lang sumasama ang loob ng anak sa kanyang ama na isang ganoon, kung hindi nila araw-araw na nakikita, nakakasama 'yung kanilang tatay."
"Kasi alam ng mga bata kung paano ipagtatanggol ang tatay nila. Physically present ako kaya kilala nila ako," ang makabuluhang paliwanag ni Ogie sa kanilang sitwasyon.

Narito ang kabuuan ng ikalawang bahagi ng interview ni Mama Loi kay Ogie Diaz na mula mismo sa kanyang YouTube channel:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Read also

Janus Del Prado sa mga nagpapadala ng death threat: "Aabalahin pa natin NBI? 'Wag na!"

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang kanyang mga video sa kanyang YouTube channel dahil sa mga maiinit na showbiz updates at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica