OFW mula sa Japan, nagpanggap na delivery rider para isurpresa ang ina
- Viral ang nakakantig ng puso na video ng isang OFW na umuwi sa Pilipinas at naisipang isurpresa ang ina
- Nagpanggap na delivery rider ang anak na nagdala ng umano'y package sa kanyang ina
- Sinisingil pa niya ito ng Php1,500 para sa delivery fee kaya naman tila natagalan pa ang pagtatanggal ng helmet ng anak para magpakita na sa kanyang nanay
- At nang makita ng ina ang anak, hindi na nito napigilang maluha at agad itong niyakap
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami ang naluha at naantig ang puso sa viral video kung saan sinurpresa ng isang kababayan nating overseas Filipino worker ang kanyang ina.
Ibinahagi ni Daisy Olayvar David ang naturang video kung saan ang OFW ay nagpanggap pa na isang delivery rider na may dala umanong package sa kanyang ina.
Sa video, makikitang pumirma pa sa umano'y resibo ang ina at wala itong kaalam-alam na nasa harap na niya ang anak na matagal niyang hinintay dahil sa pandemya.
At dahil nagpanggap nga ito na isang courier service, siningil pa nito kunwari ang ina ng halagang Php1,500.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nang nagbibilang na ng perang ibabayad ang ina, tinanggal na ng anak ang helmet na hindi naman agad na napansin ng kanyang nanay.
Ngunit nang makita ito nga ang kanyang anak, agad niya itong niyakap at hindi na rin nito napigilang maiyak sa tuwa.
Mula sa Japan ang OFW at hindi talaga inaasahan ng ina ang kanyang pagdating kaya naman ang una niyang nasabi ay "Kailan ka pa?"
Umabot na sa 168,000 ang positibong reaksyon sa video habang may 31,000 shares naman ito.
Hindi nalalayo sa eksenang ito ang ginawa ng isang OFW na naisipan ding isurpresa ang kanyang mga magulang sa kanyang pagbabalik sa bansa.
Naisipan niyang magpanggap na customer sa kanila mismong negosyo na litsunan. Kaya naman nang mapansin na siya ng kanyang ama at ina, tuwang-tuwa ang mga ito.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh