Anak, masayang nahanap ang ama makalipas ang 26 na taon
- Masayang nahanap ng anak ang kanyang ama na hindi pa niya nakikila mula nang siya ay isilang
- Kahit may ilang mga nagsasabing sumakabilang buhay na ang kanyang ama, hindi pa rin sumuko ang anak sa paghahanap
- Alam lamang niya kasi ang pangalan nito kaya namang lakas loob niya itong hinanap sa social media
- At nang palarin, nagkita nga sila ng kanyang ama makalipas ang 26 na taon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang nakakantig pusong tagpo ang naganap nang makita ng netizen na si Jany Ebony ang kanyang ama na si Jude Barba makalipas ang halos tatlong dekada.
Nalaman ng KAMI na nag-viral ang naturang video ng emosyonal na pagtatagpio ng mag-ama.
Kwento pa mismo ni Jane, may mga nagsasabi sa kanya noon na namayapa na ang ama ngunit hindi pa rin siya tumigil sa paghahanap rito.
"Talaga lang po hindi ako sumuko kahit may mga nagsabi na sakin na patay na ang tatay ko pero alam ko sa puso ko na buhay pa sya kaya ndi po ako sumuko. Hangang sa binigay na ni God ang matagal ko ng hinihintay at hinihiling sa kanya"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"'Di ako sumuko kahit pangalan mo lng ang alam ko," dagdag pa ni Jane na naikwentong sa Facebook niya nahanap ang kanyang ama.
Hindi man nila madalas na pag-usapan noon, ngunit masaya rin daw ang ina ni Jane sa nangyari.
Narito ang kabuuan ng kanilang nakakaantig ng puso na video:
Kamakailan, nag-viral ang video ng isang OFW na natagalan bago mauwi sa Pilipinas kaya naisipan niyang i-surpresa ang kanyang mga magulang.
Hndi talaga siya napansin ng kanyang ina hanggang sa kailangan na nitong kunin ang kanyang pangalan sa paglilista ng order.
Nang ibigay niya ang buong pangalan, nagulat at talagang nahablot siya ng kanyang ina na halos hindi na siya pakawalan sa pagkakayakap.
Hindi nalalayo sa eksenang ito ang ginawa ng isang OFW na naisipan ding isurpresa ang kanyang mga magulang sa kanyang pagbabalik sa bansa.
Naisipan niyang magpanggap na delivery rider at muntik pang mag-bayad ng package ang kanyang ina sa pag-aakalang ito'y padala lamang niya.
At nang malaman ng ina na ito na pala ang kanyang anak na OFW, halos hindi na niya ito bitiwan sa pagkakayakap.
Source: KAMI.com.gh