Ogie Diaz kahit wala nang kontrata sa ABS-CBN; "'Yung loyalty ko kasi sobra, iba"

Ogie Diaz kahit wala nang kontrata sa ABS-CBN; "'Yung loyalty ko kasi sobra, iba"

- Nilahad ni Ogie Diaz ang kanyang mga dahilan kung bakit nananatili siyang loyal sa ABS-CBN

- Sinabi niyang wala naman na siyang kontrata sa ABS-CBN ngunit nananatili pa rin siya bilang isang Kapamilya

- Hanggang ngayon, maganda rin umano ang relasyon siya sa mga big boss ng Kapamilya network

- Naniniwala rin siya na darating ang araw na muling magbabalik operasyon at muli itong mapapanood at magbibigay saya sa telebisyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ni Ogie Diaz na 'loyal' siya sa ABS-CBN sa kabila ng pagsasarang sinapit nito.

Sa ikalawang bahagi ng panayam sa kanya ni Mama Loi para sa ika-34 anibersaryo ni Ogie sa showbiz, nilahad niya ang kanyang saloobin sa pananatili niya bilang isang 'Kapamilya.'

Ogie Diaz kahit wala nang kontrata sa ABS-CBN; "'Yung loyalty ko kasi sobra, iba"
Ogie Diaz (Photo credit: Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Facebook

"Hindi naman sipsip, loyal siguro. Sobra kong mahal ang ABS-CBN," bungad niya.

Naikwento rin niyang wala na siyang kontrata sa Kapamilya network ngunit hindi pa rin niyang inisip na lumipat sa iba pang istasyon.

Read also

Mura, hindi makapaniwala sa pagpanaw ni Mahal; "Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sa totoo lang, wala na akong kontrata, na-dissolve na. Wala rin akong kontrata sa ABS-CBN, pwede akong tumalon sa ibang bakod, sa ibang bakod, sa ibang network. Pero hindi ko ginawa. At so far, nakakaya ko naman na hindi gawin."

Doon niya naikwento ang mga panahong hindi siya iniwan sa ere maging ng mga big boss ng naturang network na sa tuwing nawawalan siya umano ng proyekto ay agad naman siyang nabibigyan.

"Nandyan sila lahat para bigyan ako," ayon kay Ogie. Kaya naman ngayong ang ABS-CBN ang dumaraan sa matinding pagsubok, hindi niya iiwan ang istasyong napamahal na talaga sa kanya.

"Sa panahon ngayon na kailangan nila ng kakampi, kailangan nila ng tagadepensa, kailangan nila ng kayakap, hindi ko sila iiwan."

Mapapanood ang kabuuan ng pahayag ni Ogie Diaz sa kanya mismong YouTube channel:

Read also

Kim Domingo, nagpositibo sa COVID-19; "Hindi ko inexpect na tatamaan pa ako"

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang kanyang mga video sa kanyang YouTube channel dahil sa mga maiinit na showbiz updates at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel