Pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases sa loob ng isang araw, naitala ngayong Agosto 20
- Pumalo sa mahigit 17,000 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw, Agosto 20
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
- Ito na ang pinakamataas na bilang na naitala sa loob lamang ng isang araw mula nang magsimula ang pandemya
- Sa kasalukuyan, mayroon nang kabuuang bilang na 1,807,800 na ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa
- Mula Agosto 21 hanggang 31, sasailalim naman sa MECQ ang Metro Manila at Laguna
Naitala ngayong araw, Agosto 20 ang pinakamataas na bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.
Nalaman ng KAMI na pumalo sa 17,231 ang bilang ng mga naitalang nagpositibo sa nasabing virus ngayong araw lamang. 5,595 naman ang mga gumaling ngayong araw ngunit may 317 din na binawian ng buhay.
Masasabing ito na ang bagong bilang ng pinakamataas na naitala buhat nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Marso ng kasalukuyang taon, 8,000 ang naitalang confirmed COVID-19 cases at inakalang ito na ang 'highest one-day tally' sa Pilipinas.
Ayon sa datos na inilabas ng Department of Health, 94.1% sa bilang ngayong araw ang pawang mild cases lamang.
3.2% naman ang mga asymptomatic, 0.7% ang critical, 1.2 % ang severe cases habang 0.86% naman ang moderate.
May kasalukuyang bilang na 1,807,800 ang lahat ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, 74% na ICU beds ng mga ospital sa National Capital Region ang okupado na, 61% naman sa mga isolation beds, 70% naman ang mga okupado nang ward beds at 57% ng mga ventilators ay pawang mga ginagamit na.
Paalala ng DOH, patuloy pa ring isagawa ang mga safety protocols tulad ng pagsusuot ng mask at shields, social distancing lalo na kung nasa pampublikong lugar at ugaliing mag-disinfect o palagiang paghuhugas ng kamay.
Sakaling makaramdam ng anumang sintomas ng COVID-19, agad na makipag-ugnayan sa mga BHERTs ng lugar upang maipakonsulta at maipa-test nang sa gayon maputol na agad ang patuloy na hawahan sa bahay man o sa komunidad.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa, sasailalim pa rin ang Metro Manila at Laguna sa Modified endhanced community quarantine mula Agosto 21 hanggang Agosto 31.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh