Idol Raffy, tawang-tawa sa umano'y dahilan ni Rudy Balwin sa kanyang maling hula

Idol Raffy, tawang-tawa sa umano'y dahilan ni Rudy Balwin sa kanyang maling hula

- Hindi napigilang matawa nang sobra ni Raffy Tulfo sa kwento ng isang ginang na nagrereklamo laban kay Rudy Baldwin

- Ito ay kaugnay sa maling hula niya sa kasarian ng apo ng nagrereklamo na kanilang natulasan nang maipanganak na ang sanggol

- Kinompronta umano ng ginang si Rudy sa kanyang maling hula dahil sinabi umano nito na babae ang sanggol na naging dahilan kaya puro pambabae ang nabiling gamit ng ginang na nagrereklamo

- Sagot daw sa kanya ni Rudy, nakadapa kasi ang baby kaya ang nakita niya pala ay pwet ng bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng pagiging seryoso ng ginang na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo, hindi napigilan ni Idol Raffy na matawa nang todo sa kanyang narinig na kwento.

Ito ay kaugnay sa umano'y panloloko ni Rudy Baldwin sa kanya. Naitanong niya umano sa psychic kung ano ang kasarian ng kanyang apo na ipinagbubuntis pa lamang noon ng anak niya.

Read also

Ogie Diaz, humanga sa kwento ng buhay ni Madam Inutz; "Nakakatuwa ka!"

Idol Raffy, tawang-tawa sa umano'y dahilan ni Rudy Balwin sa kanyang maling hula
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Tinanong umano siya ni Rudy kung ano ba ang gusto niyang magiging kasarian ng kanyang apo at sinabi niyang babae. Sagot daw sa kanya ay granted na ang kanyang wish.

Sa kanyang sobrang galak, nakapamili na siya ng mga damit na pawang mga pambabae. Gayunpaman, nagulantang sila nang malamang lalaki pala ang sanggol nang nailabas na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman, kinompronta niya si Rudy Baldwin tungkol sa maling hula niya.

Lalaki. na shock po kami. so binalikan ko po sya, tinawagan ko sya (rudy baldwin) sabi ko "madam mali po yung vision nyo. pinakita ko pa yung pusod sabi nyo nasisilip nyo babae

Dito na sobrang natawa si Idol Raffy dahil sa dahilan kung bakit mali ang kanyang hula.

Ang sinagot nya po sa'kin"pasensya na kasi nakadapa puwet pala yung nakita ko"

Read also

Madam Inutz, nagsisikap para di makuha ang bunso ng ama nito; "Ipaglalaban ko"

Si Rudy Baldwin ay sumikat sa social media dahil sa kanyang ibinabahaging mga premonisyon at vision sa kanyang Facebook page. Kamakailan nga ay naging mainit na usapin ang tungkol sa kanyang mga vision matapos siyang punahin dahil pawang mga negatibo umano ang kanyang ibinabahaging hula.

Kabilang si Xian Gaza at ang kanyang dating manager sa nagsalita laban sa kanya. Hindi niya ito pinalampas at nagbahagi siya ng mensahe para sa mga taong bumabatikos sa kanya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel