Neil Arce's mom to Angel Locsin: "Nakita ko sa mga mata niya na mahal niya talaga ang anak ko"

Neil Arce's mom to Angel Locsin: "Nakita ko sa mga mata niya na mahal niya talaga ang anak ko"

- Ibinahagi nina Angel Locsin ang mga mahahalagang kaganapan sa kanilang civil wedding

- Makikita sa video na tanging ang pamilya at ilang malalapit na kaibigan lamang nila ang nakasaksi ng kanilang pag-iisang dibdib

- Masaya ang magkabilang panig ng kanilang mga pamilya lalo na ang ina ni Neil na nakitang mahal talaga ni Angel ang kanyang anak

- Doon tila napantunayan umano ng ina ni Neil na tinupad daw ng Diyos ang dasal niya para sa anak at nakahanap ito ng makakasama sa buhay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga naibahagi nina Angel Locsin at Neil Arce sa video ng kanilang civil wedding ay ang reaksyon ng kanilang mga mahal sa buhay.

Nalaman ng KAMI na taong 2019 pa nang mag-propose si Neil kay Angel at kinuha muna niya ang permiso ng ama nito.

Read also

Viral online seller na si 'Queen Inuts', naka-bonding sina Ethel Booba at Donita Nose

Tila nakahinga ng maluwag si Neil nang makuha niya ang basbas ng ama ni Angel na pinayuhan pa siyang mag-propose agad bago pa magtungo noon ang aktres sa Belgium para sa isang show.

Neil Arce's mom to Angel Locsin: "Nakita ko sa mga mata niya na mahal niya talaga ang anak ko"
Photo credit: @therealangellocsin
Source: Facebook

Maging ang ina ni Neil Arce ay sobrang saya para sa anak dahil nakahanap nito ng babaeng tunay na magmamahal sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Si Angel kasi 'yung nakaharap sa akin noong mag-exchange na sila ng vows, tinitingnan ko 'yung mga mata niya. Sabi nga nila 'the eyes are the windows to your soul'.
"Noong tinanong na ni Mayor Nilo 'do you Angel take Neil?' at sumagot na siya ng 'I do' nakita ko talaga sa mga mata niya na mahal niya talaga 'yung anak ko."

"Sabi ko lang sa sarili ko, 'God thank you ha na pinakinggan mo lahat ng prayers ko, na binigyan mo talaga ang anak ko ng isang companion sa buhay," ang emosyonal na pagbabahagi ng ina ni Neil sa mga nasaksihan niya sa simple ngunit makabuluhang wedding ng celebrity couple.

Read also

Tekla, naiyak nang maalala ang panahong natutulog siya sa kalsada; "Sobrang hirap"

Narito ang kabuuan ng video mula sa kanilang YouTube na "The Angel and Neil Channel":

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang Agosto 7 lamang nila isinapubliko na ikinasal na pala sila ni Neil Arce kung saan nanghiram pa ng singsing si Neil sa kanyang anak dahil wala silang dalang wedding ring.

Una na ring naiulat ng KAMI na naibahagi rin nina Angel at Neil na nawala umano ang engagement ring nila kaya bumili sila ng bago ng 'almost identical' ng orihinal.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel